^

True Confessions

Hiyasmin (20)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

INILABAS ni Hiyasmin ang class cards at mga resibo. Iniabot kay Dax.

“Nakasulat po sa class cards ang grades ko at pati po resibo ng mga pinagbayaran ko. Sorry Sir Dax at ngayon lang ako nakapunta rito. Hindi rin ako nakatawag at nakapag-text dahil busy sa pag-aaral,’’ sabi ni Hiyasmin.

Pinasadahan ni Dax ang class cards kung saan nakasaad ang grades ni Hiyasmin.

“Mass com ka nga pala. Ang tataas ng grades mo ah. Baka summa ka pag-graduate,’’ sabi ni Dax habang nakatingin pa rin sa mga grades.

“Sana nga Sir Dax.’’

“Kayang-kaya mo ‘yan!’’

“Salamat Sir.’’

Ibinabalik ni Dax ang class cards at resibo kay Hiyasmin.

“Sa iyo na po ‘yan, Sir Dax para may kopya ka.’’

“A okey sige, itatago ko at ‘pag naging summa ka, e ipala-laminate ko itong grades mo.’’

Nagtawa lang si Hiyasmin.

“Siyanga pala, mayroon ka pa bang babayaran sa school. Baka mayroon pa e sabihin mo na para mabayaran mo na.’’
“Wala na Sir Dax.’’

“Sure ka?’’

“Opo.’’

“Sige basta kung may kailangan ka—libro o notebooks, pen—sabihin mo lang.’’

“Opo Sir Dax, gagawin ko.’’

“Teka nga pala, alam ba ng mama mo ito—I mean na may nagpapaaral sa’yo?’’

“Hindi po. Ang alam kasi ni Mama nagwo-work pa ako. Hindi ko na sina­sabi sa kanya na may nagpapaaral sa akin—ayaw ko nang mag-isip pa siya ng kung anu-ano. Kasi, punumpuno na ang utak niya nang sama ng loob dahil sa asawa niya—sa stepfather ko.’’

“E kumusta naman ang stepfather mo—hindi ka na ba pinag-iinteresan? Di ba sabi mo, pinagtatangkaan ka?’’

“May pagnanasa pa rin po pero nag-iingat ako. Hindi ako tumitigil sa bahay­. Maaga akong umaalis sa bahay at sa library ng uni­bersidad ako naglalagi at nag-aaral.’’

“Mabuti ‘yun—tama ang ginagawa mo. Mag-ingat ka.’’

“‘Yun nga po ang gina­gawa ko, Sir Dax.’’

“Marami ngayong nangyayaring pangre-rape sa loob ng tahanan kaya doble ingat ang gawin mo.’’

“Salamat po sa paalala, Sir Dax.”

Itutuloy

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with