^

True Confessions

Hiyasmin (18)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Naisip ni Dax na tama ang ginawa niya na bigyan ng pera si Hiyasmin para pangmatrikula nito kaysa pagtrabahuhin bilang kasambahay. Kapag ganun ang ginawa niya, parang hindi siya tumulong kay Hiyasmin. At saka paano makapag-aaral nang husto si Hiyasmin kung magtatrabaho sa kanya. Dapat makapag-concentrate sa pag-aaral. Alam niya sapagkat nung nag-aaral siya at maging ang kapatid niya ay ayaw halos silang pagtrabahuhin sa bahay ng kanilang ama at ina. Maski ang pagtatapon ng basura ay ang kanyang ina ang gumagawa para hindi sila maabala sa pag-aaral ng leksiyon. Alam ni Dax na mahalaga sa estudyante na nakatutok sa pag-aaral.

At isa pa, sakaling tinanggap niya na magtrabaho rito bilang kasambahay si Hiyasmin, maaasiwa siya. Kaya nga siya humiwalay ng bahay sa kanyang mga magulang ay dahil gusto niya ng privacy. At kung narito si Hiyasmin, mawawala ang privacy niya. Mahirap para sa kanya na may kasamang ibang tao.

Isa pa, kung tinanggap niya si Hiyasmin na kasambahay at isang pagkakataon ay dalawin siya ng kanyang ama at ina rito at makita si Hiyasmin, anong sasabihin niya?

Kaya tama lang na ginawa niyang “iskolar” si Hiyasmin. Puwede niyang tawaging “Dax Scholar”. Napangiti siya sa naisip.

TATLONG linggo ang lumipas, walang natatanggap na tawag o text si Dax kay Hiyasmin. Sabi sa kanya ni Hiyasmin, ia-updates siya sa mga nangyayari. Baka busy sa pag-aaral.

Hanggang mag-isang buwan. Wala pa rin siyang natatanggap na messages mula kay Hiyasmin.

Ano kaya ang nangyari?

(Itutuloy)

vuukle comment

DAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with