^

True Confessions

Hiyasmin (15)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Lumambot ang loob ni Dax sa mga sinabi ni Hiyasmin. Feel niya, nagsasabi ito ng totoo. Talagang ang gusto nito ay makapagtapos ng pag-aaral. Isang taon na lang daw at magtatapos na ng kolehiyo. At kaya gustong makatapos ay para makakuha agad ng trabaho at para rin matulu­ngan ang ina nito na hirap na hirap na raw sa ginagawa ng asawa nito.

“Tutulungan kita Hiyasmin!’’ sabi niya. Pinal na ang pasya niya. At meron na siyang naisip na paraan para matulungan si Hiyasmin na hindi na ito papasok para maging kasambahay niya.

Hindi makapaniwala si Hiyasmin sa narinig.

“Totoo po Sir Dax?’’

“Oo. Pero hindi mo na ka­ilangang magtrabaho sa akin.”

“Ano po ang ibig mong sabihin?’

“Pag-aaralin kita—parang scholar kita.’’

Hindi makapaniwala si Hiyasmin. Totoo ba ang narinig niya?

“Paano po kita mababa­yaran?’’

“Saka mo na isipin ‘yan. Mahalaga na makatapos ka.’’

“Sige po Sir Dax. Pero gusto mo, every Sunday pupunta ako rito para ipaglinis kita ng bahay o ipaglaba kaya o ipagluto?’’

“Huwag na. Mag-aral ka na lang ma­buti.’’

“Sige po!’’

“Ibigay mo sa akin ang total na babayaran mo sa school at bibigyan na kita ng pera ngayon. Para wala ka nang puproblemahin pa. I-cash mo na ang buong semester. Mas panatag mag-aral kapag walang iniisip na utang sa school.’’
Lalong natulala si Hiyasmin sa narinig. Hindi niya malaman kung ano ang sasa­bihin sa mabait, mapagtiwala at matulunging tao na nasa harap niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with