^

True Confessions

Hiyasmin (14)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Bakit naman ako ang naisipan mong pag-aplayan para maging kasambahay. Sa dinami-dami ng tao e ako ang napili mo?’’ tanong ni Dax.

“Na-feel ko po na ma­buti kang tao, Sir Dax,’’ sagot ni Hiyasmin.

“Paano mo nalaman e hindi pa naman tayo nagkakasama o nagkakakilala man lang?’’

“Napatunayan ko po nang itago mo ang ID ko. Sa ibang tao yun, baka itinapon o hindi na pinulot ang ID. Inilagay mo pa po ang ID sa screen door para makita nang nagha­hanap. Sa ginawa mo pong yun, nakikita na maganda ang ugali mo Sir Dax.’’

Napangiti si Dax.

Nagpatuloy si Hiyasmin sa pagsasalita.

“Ang hinihingi ko lang po e tulong para maka­tapos ako sa course ko. Kapag nakatapos ako e puwede na akong maghanap ng trabaho at hindi na ako aasa sa iba. Pag may trabaho na ako matutulungan ko ang mama ko. Hindi ko na matiis ang ginagawa sa kanya ng stepfather ko. Kawawa naman.’’

Bumuntunghininga si Dax.

“Sakaling tanggapin kita, alam ba ng mama mo ito? Baka masabit ako at akusahan nang kung anu-ano… alam mo na…maraming nangyayari ngayon.’’

“Nasa edad na po ako, Sir Dax. Ako na ang nagpapasya sa sarili.’’

“Baka magkaroon ng problema e ako ang madiin na may kasalanan. Ma­hirap masangkot sa anumang bagay. Tahimik akong tao.’’

“Wala po akong ibibi­gay na problema. Hindi po kita ipapahamak.’’

Hindi makapagpasya si Dax.

Ano bang mabuti?

Tulungan ba niya si Hi­yasmin o hindi?

(Itutuloy)

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with