Suklam (108)
ISANG araw ng Sabado, walang pasok si Brent at kukuya-kuyakoy sa salas. Ang kapatid niyang si France ay wala ring pasok sa trabaho pero maagang naligo at nagbihis. Dadalaw daw siyota nito.
Nang matapos ang tatay ni Brent sa ginagawa sa kusina ay nakipagkuwentuhan ito sa kanya.
“Ano na nga palang nangyari sa kaibigan mong si Julio?’’ tanong ni Tatay.
“Wala pa akong balita sa kanya, ‘Tay. Huling pag-uusap namin ay ‘yung may sinabi siya tungkol sa asawa niya. ‘Yung ikinuwento ko sa’yo minsan—na gumawa muli ng kasalanan ang asawa. Mula nun, hindi pa kami nagkakausap.”
“Ano na kayang nangyari sa kanya?’’
“Siguro naman e okey na siya, ‘Tay.’’
Napatango ang tatay niya.
Maya-maya, binago nito ang usapan.
“Kailan ka ba mag-aasawa, Brent? Baka maunahan ka pa ng kapatid mo.’’
“Mag-aasawa agad e wala pa nga akong nililigawan.”
“Bakit?’’
“Wala pang makita.’’
“Hindi ka naman yata naghahanap paano ka makakakita.”
“Natatakot kasi ako ‘Tay.’’
“Bakit?’’
(Itutuloy)
- Latest