^

True Confessions

Suklam (46)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

IKINATUWA ni Brent ang nalaman kay Mara na hindi na papasok si Vivian dahil buntis. Mawawala na rin ang babaing kinasusukla­man niya. Mabuti na lang at hindi niya naipagtapat kay Julio ang ginagawa ni Vivian. Nakatulong ang payo ng kanyang tatay na huwag makialam sa ginagawang pangangalunya. Kung hindi siya napayuhan ng kanyang tatay, ipakikita na sana niya kay Julio ang malalaswang kuha niya kina Vivian at Oskar habang nagtatalik sa stockroom. Mabuti na lang napagpayuhan siya ng kan­yang tatay.

Naisip din naman niya si Julio. Ano kaya ang gagawin ni Julio ngayong nabulgar na nabuntis si Vivian ng ibang lalaki? Idedemanda siguro niya ang dalawa. Ano kaya ang pakiramdam ng anak nina Julio at Vivian. La­laki pa naman. Ano ang sa­sabihin ng mga kaklase nito? Nanlalaki ang ina! Nabuntis ng ibang lalaki!

Sa bahaging iyon ay parang may naramdamang hapdi si Brent. Napatiimba­gang siya. Bumuntunghini­nga siya.

Nang dumating si Brent sa kanilang bahay nang gabing iyon ay nanonood ng TV ang kanyang tatay. As usual, nasa mesa na ang ulam na niluto nito. May taklob na plato. Inalis ni Brent ang taklob. Ginisang sardinas na may patola. Paborito niya. Mainit pa.

“Kain ka na Brent. Kaluluto lang niyan.’’

“Opo ‘Tay. Magpapalit lang ng damit.”

Nagpalit si Brent at kumain. Masarap ang ginisang patola. Na-master na ng tatay niya ang pagluluto. Swak na swak.

Hindi niya inaasahan ang tanong ng kanyang tatay.

“Kumusta na Brent ang kasamahan mong babae na nakikiapid? ‘Yung nanga­ngalunya?’’

Nilunok ni Brent ang isinubong kanin bago sumagot.

“Nag-resign na ‘Tay!’’

“Bakit?’’

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with