^

True Confessions

Suklam (18)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“TINGNAN mo Brent itong balita sa TV. May misis na namang naaktuhan na nakikipagtalik sa ibang lalaki. Pinagsasaksak ng mister ang dalawa at napatay!’’ sabi ng tatay ni Brent na ikinagulat niya habang kumakain.

“Bakit kaya ang daming na­ngangaliwa na misis ngayon? Di ba nung isang linggo lang ay may nahuli rin na nagtatalik sa motel? Sinundan ng mister ang misis niya at kalaguyo sa motel. Nahuli sa akto!’’

Hindi sumagot si Brent. Nagpatuloy siya sa pagsubo. Masarap ang ulam na ginisang monggo at paksiw na GG. Nakadalawang cup na siya ng kanin.

“Sabagay kahit naman noon pa ay may nangyayari nang ganyan—misis na nangangaliwa. Pero ngayon ay parang dumami ang mga taksil na babae. Parang mahirap nang magtiwala sa babae. Para bang laging mangangaliwa,’’ sabi pa ng tatay ni Brent.

“Tama ka ‘Tay, marami na talaga ngayon ang nangangaliwang babae,’’ sabi ni Brent habang nililigpit ang pinagkainan.

“Kawawa naman ang mga mister na dinudumihan sa ulo ng kanilang misis,’’ sabi ng tatay ni Brent na tangay na tangay sa balita.

Napabuntunghininga si Brent at sinulyapan ang ama na nakatutok pa rin sa balita. Matagal niyang tinitigan ang ama. Nakadama siya ng awa rito.

SABADO. Overtime uli si Brent.

Nagtaka siya sapagkat pasado alas otso na ay wala pa sina Vivian, ang asawa nito at isang anak na laging kasama kapag ganitong araw. Baka natrapik.

Napansin din niya na wala ang kasamahang si Oscar.

Bakit kaya?

Nagkabukingan na kaya?

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with