^

True Confessions

Dioscora (249)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Ang babaing hindi niya malilimutan)

Ano kaya ang pagkakapareho nila ni Nicodemus, tanong ni JC sa sarili habang hinahalikan siya ni Mam Dioscora sa dibdib. Hinubad ni Mam ang damit ni JC. Nagulat pa nga si JC nang malaman na hubad na pala ang damit niya. Paano nagawa iyon ni Mam? Wala siyang naramda­man. Mabilis ang pang­yayari.

“Mahal mo ba ako JC?” sabi ni Mam na halos pabulong.

Hindi naman maka­sagot si JC. Ano ba ang isasagot niya kay Mam?

“Sagutin mo ako JC.’’

Nagpasya si JC. Ka­ilangan niyang sagutin si Mam.

“Oo mahal din kita.’’

Umangat ang ulo ni Mam. Iniwan ang paghalik sa dibdib ni JC. Tinitigan si JC. Walang kurap.

“Sinabi mo ba yan para pampalubag ng loob, JC?’’

“Hindi.’’

“O kaya mo nasabi yan ay dahil tumatanaw ka ng utang na loob?’’

“Hindi.’’

Binawi ni Mam ang pagkakatingin kay JC at sumubsob sa dibdib ng lalaki.

“Huwag mong dayain ang sarili, JC.’’

“Ayaw mong mani­wala. Sinasabi ko na ng ana mahal kita pero ayaw mong maniwala.’’

Biglang umangat ang ulo ni Mam.

“Hindi ka ba nagbibiro JC?’’

“Hindi!’’

Kasunod niyon, biglang hinalikan ni Mam ang labi ni JC. Mas marahas kaysa kanina. Naglaro muli ang dila sa bibig ni JC. Natangay si JC.

Gumanti siya kay Mam.

(Itutuloy)

vuukle comment

NICODEMUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with