^

True Confessions

Dioscora (235)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Ang babaing hindi niya malilimutan)

Ituloy kaya niya ang iniuutos sa kanya ni Tatay SP na pai­bigin si Mam Dioscora at pagkatapos ay iwanan­ ito? Ang kapalit ng pag­papaibig niya ay ang pagiging CEO ng kom­panya. Natatandaan niya ang mga sinabi ni Tatay SP na siya ang susunod na CEO ng kompanya. Ayon kay SP, matanda na siya at kailangan na niyang ihayag ang susunod na mamama­hala sa kompanya. Na­niniwala si SP na si JC ang karapat-dapat na tao para mamahala sa kanyang kompanya. Wala na raw iba maliban kay JC. Ganun ka­laki ang pagtitiwala sa kanya ni SP.

“B-bakit natigilan kay JC? Anong iniisip mo?’’ tanong ni Mam Dioscora.

“Ha? A e naisip ko lang ang pagbabago mo ng pasya na huwag­ nang ituloy ang planong pag­papabagsak sa kom­panya ni SP.’’

“Hindi ka makapaniwala?’’

“Oo. Kasi, matagal mong pinagplanuhan ang lahat. Marami kang puhunan para maisa­gawa ang balak at pagkatapos ngayon ay hindi na itutuloy.’’

“Gaya ng sabi ko sa’yo, ayaw kong madamay ka JC. Hindi ka dapat masangkot sa away namin ni Simon Pedro.’’

“Anong balak mo ngayon?’’

“Hindi ko pa alam.’’

“Pero tuloy ang pag­ganti mo?’’

Tumango si Mam.

“Baka mapahamak­ ka kung itutuloy.’’

“Hindi ako natatakot.’’

Hindi nagsalita si JC.

“Hindi lang naman ang pag-agaw sa anak ko ang dahilan kaya gusto kong makaganti kay Simon Pedro.’’

“Ano pa?’’

“Gusto kong iganti ang mga naranasan sa kanya—isa siyang hayok sa laman!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

CEO

SP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with