^

True Confessions

Monay (202)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Baka hindi ako lalo ma­katulog kapag ka­tabi ka Joem.’’

“Bakit naman?’’

“Siyempre magkatabi tayo. Baka…’’

“Baka ano?’’

“Baka naghihilik ka, ha-ha-ha!’’

“Hindi ako naghihilik.’’

“Paano mo nalaman na hindi ka naghihilik e tulog ka?’’

“Basta hindi ako naghi­hilik. Maniwala ka sa akin. Ha­lika na. Tabi na tayo. Kasya naman tayo kahit single ang kama.’’

Bantulot si Monay na su­mampa sa kama.

“Baka malikot ka Joem…’’

“Hindi ako malikot. Wala akong kakilus-kilos kapag natu­tulog. Kung ano ang posisyon ko nang mahiga ganun pa rin ang posisyon ko paggising.’’

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin.’’

“E ano?’’

“Baka likutin mo ako…’’

“Ano? Ba’t naman kita lilikutin? Etong bait kong ito?’’

Nagtawa si Monay.

“Puro ka biro Joem. Hu­wag kang malikot ha?’’

‘‘Hindi nga ako malikot. Halika na. Lumalalim na ang gabi. Marami pa tayong papasyalan bukas.’’

“E...’’

“Huwag ka nang mara­ming kiyeme. Sampa na.’’

Sumampa si Monay.

Humiga.

‘‘Tumalikod ka sa akin, Joem.’’

‘‘Ayaw mong magkaharap tayo?’’

‘‘Ayoko. Tumalikod ka.’’

Tumalikod si Joem.

‘‘O okey ka na Monay?’’

“Oo. Huwag kang haharap ha?’’

“Kung yan ang gusto mo, hindi ako haharap. O okey na ha?’’

“Oo.’’

“Good night, Monay.’’

“Good night.’’

Nanatiling nakatalikod si Joem.

Si Monay naman ay naka­tihaya.

Paminsan-minsan su­mu­sulyap si Monay kay Joem. Walang kakilus-kilos si Joem. Tulog na yata, naisip ni Monay.

Pinilit ni Monay na ma­ka­tulog. Pero bakit ayaw siyang dalawin ng antok. Bi­nago niya ang posisyon. Tu­magilid siya. Nakatalikod kay Joem.

Pero ayaw pa rin siyang antukin.

Ganito siya kapag humihiga sa ibang kama. Naninibago siya. Natatandaan niya nang bagong dating siya galing­ US at mag-isang naka-check-in sa hotel, hindi rin siya maka­tulog. Madaling araw na siya nakatulog nun.

Bumaling uli siya. Huma­­rap naman sa nakatalikod na si Joem. Walang kakilus-kilos si Joem. Tulog na yata ang damuho! Napakabilis namang natulog!

Tumihaya siya. Ayaw pa rin siyang antukin. Bakit ganito?

Dinampot niya ang kan­yang cell phone na naka­patong sa may lampshade. Binuksan ang Facebook. Kapag gusto niyang magpaantok, FB ang binubuksan niya. Pero kalahating oras na siyang nagpi-Facebook ay hindi man lang bumabagsak ang mga mata niya. Isinara niya ang cell phone.

Bumaling sa nakatalikod na si Joem.

Tinapik niya.

“Joem…’’

Hindi kumikibo si Joem. Tinapik uli niya.

“Joem…’’

Kumilos.

“Ano ‘yun?’’

‘‘Hindi ako makatulog. Magkuwentuhan muna tayo.’’

“Inaantok na ako, Monay.’’

“Sige na Joem para antukin ako.’’ (Itutuloy)

MONAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with