^

True Confessions

Monay (171)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Kahit alam na ni Joem ang dahilan kung bakit hindi siya binati o pinansin­ ni Monay noong high school graduation nila (ikinuwento sa kanya ni Cath), gusto pa rin niyang manggaling iyon kay Monay. Ito ang matagal na niyang inihahanap ng kasagutan.

Sumagot si Monay:

‘‘Hindi ako galit sa iyo. Ba’t naman ako magagalit sa’yo? Kung galit ako e ‘di hindi kita bibigyan ng monay. Ang dahilan kaya hindi kita pinansin nung graduation natin ay dahil takot ako kay Mama. Bina­laan ako ni Mama na huwag kitang babatiin o titingnan man lang. Alam kasi ni Mama na ikaw ang binibigyan ko ng monay. Marami na ring beses akong nahuli ni Mama na kumukuha ng monay sa aming bakery. Nang tanungin niya ako kung kanino ko ibinibigay ang monay, sinabi ko ang totoo. Hindi ko na itinago dahil malalaman din naman niya. Dahil dun binalaan niya ako na huwag makikipag-usap sa’yo. Kahit daw tingin ay huwag kong gagawin.

‘‘Maski nga nung kukunin ko ang report card natin at iba pang dokumento, hindi niya ako pinayagan. ‘Yung kapatid ko ang inutusan niya. Kasi kung ako raw ang kukuha ng card, maaaring mag­kita raw tayo sa school. Kaya hindi na ako nakapunta sa ating school. Pinagbawalan ako ni Mama. Kasi ang akala ni Mama, magsiyota tayo.’’

Nang mag-reply si Joem, nag-sorry siya kay Monay.

‘‘Sorry Monay, ako pala ang dahilan kaya ka pinagalitan ng iyong mama.’’

‘‘Huwag kang mag-sorry. Wala namang may kasalanan. Ako, walang kasalanan dahil binibigyan lang naman kita ng monay. Ikaw, wala rin. Si Mama lang talaga ang mahigpit at hindi marunong umunawa.’’

(Itutuloy)

CATH

MONAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with