^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (85)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Hanga ako sa’yo Gab,’’ sabi ni Dado.

‘‘Bakit Dads?’’

“Sa kabila na mabigat ang mga pasanin mo, hindi ka pa rin sumusuko. Gaya ngayon na ang papa mo naman ang nakaratay. Bihira ang katulad mo na matibay.’’

‘‘Pero di ba minsan nasabi ko sa’yo na sawang-sawa na ako. Natatandaan mo ‘yung sinabi ko na gusto ko naman ay maging katulad mo na walang iniintindi sa buhay. ‘Yung walang responsibilidad.’’

‘‘Pero nasabi mo ‘yun dahil nalaman mo ang ka­lagayan ko sa buhay. Gusto mo e makatakas pero sa totoo lang, e hindi mo matitiis na iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Mabuti kang anak at kapatid. Kaya humahanga ako sa’yo, Gab. Bihira ang katulad mo.’’

‘‘Salamat, Dads.’’

‘‘’Yan daw mga nagda­ranas ng hirap o pasakit ngayon e may maganda namang kapalit sa hinaharap. Kung ano ang masamang naranasan sa nakaraan sobra namang ganda ang kakamtin sa kinabukasan.’’

“Sana magkatotoo ang sinabi mo, Dads.’’

“Idadalangin ko na ganun ang mangyari sa’yo Gab. Isa ako sa labis na matu­tuwa kapag nangyari ‘yun sa’yo.’’

“Salamat Dads. Mabuti pala talaga at naging BFF kita. Paano kung wala ka?’’

“E siguro naman meron kang ibang BFF.’’

“E paano kung hindi mo katulad?’’

“’Yun nga lang.’’

“Basta ang masasabi ko, masuwerte ako at nakilala kita Dads.’’

“Salamat, Gab.’’

‘‘Basta narito ka sa tabi ko Dads, pakiramdam ko, hindi ako natatakot. Para bang safe na safe ako.’’

‘‘Wow ha? Parang tuma­taba na ako sa mga sinasabi mo.’’

‘‘Talaga naman.’’

Nang may maalala si Dads.

“Kapag nagkaproblema­ ka sa bayarin sa ospital, sabihin mo lang sa akin Gab. Huwag mong sosolohin ang problema. Kaya nga ako narito e para may dumamay…’’

Napatitig nang matagal si Gab kay Dads.  (Itutuloy)

vuukle comment

SILONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with