^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (63)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Naging dependent na ang dalawa kong ka­patid at pati si Papa. Ako na ang inasahan gayung ako ang babae. Sa halip na sila ang magbanat ng buto para mapaganda ang buhay ay ako ang inasahan. Si Papa tuwing pu­punta rito ay maraming sinasabing dahilan kaya kailangan niya ang pera. Bibili raw siya ng gamot para sa rayuma, may bibilhin daw siyang vitamins para lumakas ang kanyang katawan. Binibigyan ko na dahil para naman sa kanyang kalusugan. Pero nalaman ko sa aking bunsong kapatid na nahihilig na na­man sa sugal. Karera at sabong at madalas ay sa madyungan.

“Gusto ko nang umiyak dahil doon. Pero wala namang magagawa kahit pa maghapon akong umiyak. Kung ‘yun ang gusto niya e ‘di bahala siya. Kahit naman pagsabihan ko, hindi rin ako susundin. Balewala rin ang pagpapaalala ko. Ipinapasa-diyos ko na lamang na sana ay magbago at tulu­ngan ako sa mga pasanin.

“Pero hindi lang pala si Papa ang magpapabigat sa pasan kong krus. Pati itong isa kong kapatid – yung sumunod sa akin, naging pasaway din. Binuntis ang siyota at ako rin ang inasahan na magpapakain sa kanila. Sa halip na ang asikasuhin ay ang pag-aaral, ang pambubuntis ang inatupag. Laging pumupunta rito ang kapatid kong ‘yun. Na­kaabang kapag galing ako sa probinsiya. Dito nga natutulog para makuha ang ibibigay ko. Kailangan lagi ng pera dahil buntis nga ang siyota. Hindi ko sinasabi kay Mama ang mga nangyayari sa amin dito sa Maynila dahil­ baka ma-depressed uli. Itong bunso naming lalaki ang matino at palagay ko e baka makatulong sa akin. Matatapos na sa pag-aaral. Bihirang magtungo rito ang brother kong ‘yun dahil  busy sa pag-aaral. Sabi ko, pagbutihin niya ang pag-aaral para umunlad ang kanyang buhay.’’

Tumigil si Gab sa pagkukuwento at huminga nang malalim.

Nang magsalita ay may sigla nang bahagya.

“Mabuti na lang at nakilala kita Dado. Kung wala akong mapaghihingahan ng sama ng loob ay baka maloka-loka ako…’’

“Aba napakaganda mo namang loka-loka kapag nangyari ‘yun. Hindi bagay sa iyo ang may tililing.’’

Nagtawa si Gab.

“Palabiro ka ano Dado?’’

“Minsan. May oras namang suplado ako.’’

“Talaga?’’

“Pero bihira ‘yun.’’

“May itatanong ako Dado.’’

“Ano ‘yun?’’

“May siyota ka na?’’

(Itutuloy)

SILONG

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with