^

True Confessions

Ang Magkapatid (117)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ADA, tatawagan kita ma­maya, aayusin ko muna ang mga dokumento ukol kay Enyora. Marami pa akong ikukuwento sa iyo ukol kay Enyora,” sabi ni Manang Caridad.

‘‘Opo Manang Caridad, sige po. Magtawagan na lang tayo.’’

Mabilis na tinungo ni Manang Caridad ang doktor na huling tumingin kay Lola Soc. May itinanong kay Manang Caridad. May mga inilabas na papel si Manang Caridad. Mamaya-maya pa, inilabas na ng ICU ang bangkay ng matanda para dalhin sa morgue.

Habang inilalabas ang bangkay ng matanda ay iniisip ni Ada ang mga sinabi ni Manang Caridad kanina ukol sa anak ni Lola Soc. Malaki ang pagkakahawig ng kuwento nito sa nangyari sa kanyang ama. Parang iisa ang pangyayari. Nagdududa na siya.

Ipinasya ni Ada na umalis na at nagtungo sa puneraryang kinalalagakan ng kanyang papa na si Philip. Baka hinahanap na siya ng kanyang kuya. Sabi niya ay sandali lang siya sa ospital na kinaroroonan ni Lola Soc. Kanina ay halatang naiinis ang kuya niya dahil parang inuuna pa niya ang matanda kaysa nakaburol na ama.

Naratnan niya na may kausap na lalaki at babae ang kanyang kuya. Ang lalaki ay walang iba kundi ang dating boss ng kanyang kuya at ang babae ay walang iba kundi si Hannah, nobya ng kanyang kuya. Noon pa sinabi ng kanyang kuya na magkasintahan na sila ni Hannah.

“Sir Henry ang sister kong si Ada.’’

“Hi, kumusta ka Ada. Napakaganda mo pala,” nagbeso-beso sila.

“Kumusta po, Sir.’’

Si Hannah naman ang pi­nakilala ni Ipe. Nagbeso-beso rin sila ni Hannah.

“Ang ganda mo pala, Hannah,” sabi ni Ada.

‘‘Thanks. Ikaw din maganda.’’

‘‘Bagay kayo ni Kuya. Sana, kayo na talaga.’’

“Sana nga. Proud ako diyan sa kuya mo. Alam ko na ang story n’yong magkapatid. Hanga ako sa inyo. Bukod dun, napa­tawad n’yo rin ang father n’yo. Bihira nang katulad n’yo, Ada.’’

‘‘Salamat, Hannah.’’

“Hindi ako nagkamali sa pagpili sa kuya mo.’’

Maya-maya lumapit si Ipe sa dalawa.

‘‘Mukhang seryoso ang pinag-uusapan n’yo.’’

“Oo, Kuya, ikaw ang pi­nag-uusapan namin.’’

“Talaga ha. Baka mas­yado n’yo na akong pinupuri.’’

“Sabi ko kasi, hanga ako sa inyong magkapatid, lalo sa’yo. Kaya lalo kitang minahal,’’ sabi ni Hannah.

Nagtawa si Ipe.

(Itutuloy)

ANG MAGKAPATID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with