^

True Confessions

Black Widow (31)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HUWAG sana siyang makita ng lalaki! Iyon ang iniisip ni Marie na hindi naman niya malaman kung bakit. Basta ayaw niyang makita siya ng lalaki. Naghihintay din ng dyipni ang lalaki at ang anak nito. Hawak ng lalaki sa kamay ang anak.

Para hindi siya makita ay sa malayo-layo sila nagtungo ni Pau para doon mag-abang ng dyip. Nagtaka si Pau.

“Mommy bakit pa tayo lumalayo?’’

“Para wala taong kaagaw sa pagsakay. Kita mo’t ang daming naghihintay sa may shed. Isa pa baka madukutan tayo.’’

“Kaunti lang naman ah.’’

“Basta. Huwag ka na ngang tumutol.’’

Nanahimik si Pau pero halatang nagtataka pa rin.

Isang dyipni ang paparating. Tamang-tama ang signboard na patungo sa kanila. Pinara niya. Tumigil sa tapat nila.

“Sakay na tayo.’’

Inalalayan niya si Pau sa pag-akyat. Sa gawing kanan sila naupo. Umandar ang dyipni.

Habang papalapit ito sa waiting shed na pinag­hihintayan ng mag-ama na iniiwasan ni Marie ay walang tigil ang pagkabog ng puso niya. Paano kung dito rin sumakay sa dyipning ito ang mag-ama. Ano ang gagawin niya? Alumpihit siya.

“Mommy ba’t di ka mapakali?’’

“Ha? A e may langgam yata sa loob ng pants ko. Kinakagat ako.’’

Nagtawa si Pau.

Nakitawa rin si Marie para hindi siya mahalata.

Palapit na sila nang palapit sa pinaghihintayan ng mag-ama. Iilan lang ang naghihintay.

Huwag kang papara! Huwag kang papara! Iniisip ni Marie. Ano kaya at bayaran na lang niya ang drayber ng P100 para huwag nang tumigil sa shed na pinaghihintayan ng mag-ama. O maski P200 para magtuluy-tuloy sa pagtakbo. Sasabihin niya sa drayber na nagmamadali lang siya dahil nag-aalburuto ang tiyan niya at gustong maebs.

Pero baka lalo lang magtaka sa kanya si Pau. Matalino ang anak niya. Baka lang mabuking na mayroon siyang iniiwasan. Baka lalo lang lumubha ang sitwasyon dahil sa pagpa-panic niya.

Hinayaan na lang niya. Bahala na.

Pero nagdaan sa tapat ng mag-ama ang dyipni na sinasakyan nila ay hindi ito pumara. Nakahinga siya nang maluwag. Lumampas sila sa mag-ama at nang malayu-layo na ang sinasakyan ay saka siya lumingon at sinilip sa bintana ang mag-ama. Hawak pa rin ng ama sa kamay ang anak.

‘‘Mommy sinong tini-tingnan mo?’’

‘‘Ha ? A e wala! Wala !’’

Nagtataka na si Pau sa ikinikilos niya.

(Itutuloy)

ACIRC

AMA

ANG

ANO

HAWAK

HUWAG

LANG

MAG

NIYA

PAU

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with