^

True Confessions

Kastilaloy (165)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SAAN? Saan nakatira si Gaude, Gina?’’ Tanong ni Geof na halatang na-excite sa nalaman kay Gina.

‘‘Sa Antipolo St., Kuya?’’

‘‘Antipolo St.? Saan yun ?’’

‘‘Sa may riles daw po ng tren.’’

‘‘Anong number ng bahay?’’

‘‘Hindi sinabi Kuya.’’

‘‘Namputsa, paano natin makikita yun?’’

“Bigla kasing lumapit   si Ate Garet habang kinakausap si Kuya Gau-de kaya lumayo na rin ako at baka mahalata.’’

“Ganun ba? Sayang, paano natin malalaman ang bahay ni Gaude?’’

‘‘Pupunta uli rito ‘yun. Pagnag-usap sila pakikinggan ko Kuya.’’

‘‘Teka, sabi mo nasa Blumentrittr ka nung isang araw, ibig bang sabihin narito na ang amo mo?’’

“Opo Kuya.’’

“Kailan dumating?’’

“Nung isang araw pa.’’

“Paano pa pupunta rito si Garet at Gaude e narito na pala ang amo mo? Baka hindi na natin malaman  ang tirahan ni Gaude.’’

“Pupunta sila rito Kuya. Lagi silang narito.’’

“Sigurado ka?’’

“Oo.’’

“Sige, pakinggan mo ang usapan nina Garet at Gaude ha. Malaman lang natin ang tirahan niya sa Antipolo St. Sigurado nang mapapasaatin ang mga alahas. Ang dami nun. Para tayong tumama sa lotto kapag nakuha natin ‘yun. Pupunta tayong dalawa sa malayo. Magbabakasyon tayo sa Boracay, sa Baguio at sa Palawan. Makakasakay ka na ng eroplano. Di ba hindi ka pa nakakasakay ng eroplano di ba?’’

“Hindi pa Kuya.’’

“Kapag nakuha natin ang mga alahas, makakasakay ka ng eroplano. Tapos magbabakasyon tayo sa ibang bansa --- sa Ame-rica – punta tayo. Tapos ibibili kita ng bag – yung Hermes – at saka damit at sapatos.’’

Nakangi­ti si Gina na tila nag-iimagine na sa mga sinabi ni Geof. Parang nag­lakbay na agad ang isipan sa kalawakan. Punumpuno ng pag-asam.

“Kaya pakinggan mong mabuti ang pag-uusapan nila. Pati yung sasabihin ng boss mong si Carmina ay pakikinggan mo. Wala kang palalampasin sa mga pag-uusapan nila. Kapag narinig mo ang salitang Kastilaloy, tiyak ang mga alahas na ang pinag-uusapan nila. Malaki ang kutob ko na ang nagtatago ng mga alahas ni Kastilaloy ay si Gaude kaya dapat mong malaman kung ano ang number ng bahay niya sa Antipolo St. Mahihirapan tayo kapag hindi natin nalaman ang number ng bahay.’’

“E kung isa-isahin mo kaya Kuya ang mga ba-hay sa Antipolo St.?’’

Nagtawa si Geof.

“Para ka namang sira! Mahahaba ang kalye rito. Pag-inisa-isa ko, baka abutin tayo ng Pasko.’’

“E kung sundan mo si Kuya Gaude sa pag-uwi. Halimbawa, paggaling dito sa bahay ay sundan mo.’’

“Paano ko malalaman na narito siya? Wala ka namang cell phone.’’

‘‘Ay oo nga ano? Ibili mo kaya ako ng cell phone, Kuya, he-he !’’

“Mahirap ang iniisip mo. Basta, pakinggan mo na lang muna ang pag-uusapan nila, okey?’’

“Sige Kuya.’’

“Babalik ako sa isang araw. Kailangan alam mo na ang number ng bahay ni Gaude ha?’’

“Oo Kuya.’’

“Sige aalis na ako.’’

‘‘Bye Kuya.’’

Hahakbang na si Geof nang may sabihin, “Puwede ba akong makahalik?’’

“Si Kuya dumale na naman.’’

‘‘Sige na, pahalikin mo ako.’’

‘‘E...’’

‘‘Sige na.’’

‘‘Sige Kuya pero yung mga pinangako mo ha, tuparin mo.’’

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

ANTIPOLO ST.

GAUDE

GEOF

GINA

KUYA

MGA

PUPUNTA

SIGE

SIGE KUYA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with