^

True Confessions

Kastilaloy (37)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PINAGMASDAN ni Garet ang mga tuyong dahon sa loob ng musuleo ni Kastilaloy. Halos mapuno na ng mga dahon ang bakuran. Kawawa naman ang libingan ni Kastilaloy. Kung kaya lang niyang pasukin ang loob ng musuleo, lilinisin niya iyon.

Sumulyap siya sa katabing musuleo. Malinis na malinis iyon. Natatandaan niya, nakiusap siya sa mga taong naabutan na ibigay ang number niya sa sinumang makitang duma­law sa libingan ni Kastilaloy. Siguro’y wala talagang dumadalaw sa libingan ni Kastilaloy kaya walang ku­mukontak sa kanya.

Kung may makakausap siya sa mga taong nagmalasakit kay Kastilaloy, marami siyang maisusulat ukol sa matanda. Doon niya malalaman kung paano na­punta sa kanilang pa-ngangalaga si Kastilaloy at bakit sila ang nagpalibing. At hindi basta-basta ang libingan ng matanda.

At ang mahalagang itatanong niya ay kung nasaan ang mga mamahalin na antigong alahas ni Kastilaloy. Kasama sa alahas na dala-dala ni Kastilaloy ay ang kuwintas na may pa­lawit. Sa loob ng palawit ay ang larawan ng ama at ina ni Kastilaloy na sina DON VENANCIO DE POLAVIEJA at DONA ESTRELLA RUIZ DE POLAVIEJA. Nakaukit daw ang pangalan ng mga ito sa hugis itlog na pendant o palawit. Sabi ng kanyang Mama Julia, ang kuwintas na iyon ay para sa kanyang papa --- si Lolo Fernando Polavieja. Nagtataka raw si Lolo Fernando kung bakit tinangay iyon ni Kastilaloy.

Ipinasya ni Garet na umalis na. Hindi niya alam kung kailan dadalawin  muli ang libingan ni Kastilaloy. Baka matagalan bago makabalik dito.

HINDI na nagkuwento si Garet sa kanyang mama na may kaugnayan kay Kastilaloy at maski kay Carmina.

At tila wala namang interes ang kanyang mama ukol doon. Mas abala ang kanyang mama sa paglabas at nakikipagkita sa kung sinu-sino na ang hinala  niya ay lalaki.

Isang umaga, seryoso siyang kinausap ng kan­yang mama.

‘‘Nahihirapan na akong mag-drive, Margarita. Ku­kuha ako ng driver.’’

Hindi agad nakasagot si Garet. Bakit yata biglang-bigla na naisip ng kanyang mama ang pagkuha ng driver.

‘‘Mama, dadalawa lang tayo rito, pareho pa tayo babae, ba’t kukuha ka ng driver.’’

‘‘E hindi naman titira rito. Parang katulad ng la­bandera natin, pupunta lang dito kapag kailangan ang serbisyo…’’

‘‘Kahit na. Baka ano… delikado!’’

(Itutuloy)

GARET

KASTILALOY

KUNG

LOLO FERNANDO

LOLO FERNANDO POLAVIEJA

MAMA

MAMA JULIA

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with