Kastilaloy (4)
“SASABIHIN ko na talaga kay Papa – kay Lolo Fernando mo ang ginaga-wang pamboboso sa akin ni Tiyo Dionisio, pero nanaig na naman sa akin ang awa,” sabi ng mama ni Garet. “Kapag isinumbong ko baka kung ano ang gawin ni Papa sa kapatid. Mabilis ding magalit si Papa. Baka may mangyari kay Papa ay ako pa ang sisihin. Kaya hindi ko itinuloy ang balak na pagsusumbong.’’
“E di patuloy ang ginagawa ni Lolo Dionisio na pamboboso?”
“Ako na lang ang gumawa ng paraan para hindi mabosohan ni Tiyo Dionisio. Nilagyan ko ng bubble gum ang mga inaakala kong butas sa wall ng banyo. Kahit paano, mababawasan ang ginagawa niyang kabastusan.’’
“Bakit kaya ganun si Lolo Dionisio, Mama?”
“Hula ko, may masama siyang karanasan kaya naging mahilig sa pamboboso. Hula ko rin, paraan ang pamboboso para mawala sa isipan niya ang ginawa ng asawa.”
“Hindi kaya naghihiganti siya Mama? Gusto niyang gumanti sa mga babae?’’
“Naisip ko rin ‘yan pero bakit akong pamangkin niya ang bobosohan niya. Bakit dito pa siya gumagawa ng kalokohan?”
Napatango si Garet. May katwiran ang kanyang mama. Bakit hindi sa ibang babae magalit si Lolo Dionisio? Bakit siya? At bakit sa tinedyer na tulad niya.
“May sakit marahil si Lolo Dionisio.”
Iyan din ang hula ko.
Hanggang sa may maalala ang mama ni Garet.
“Eto pa, Garet ang isa pang pangyayari na naghatid din sa akin ng takot.
“Ano yun Mama.’’
“Nahuli ko siya sa banyo na mayroong gi-nagawa. Shock ako!”
“Anong ginagawa niya?”
“Pinaliligaya ang sarili!”
Si Garet naman ang shock.
“Nakita ka niya Mama?’’
“Oo. At parang walang pakialam. Walang takot. Bastos talaga.”
Hindi nakapagsalita si Garet. Ano kaya ang sakit ni Lolo Dionisio? Bakit mga abnormal ang pinakikita niya?
(Itutuloy)
- Latest