^

True Confessions

Sinsilyo (235)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PINAGMASDAN ni Lyka ang sarili sa salamin habang suot ang uniporme ng nurse na ipinatahi niya. Hangang-hanga siya. Bagay na bagay ang uniporme sa kanya. Hindi halatang peke na nurse siya. Walang makakapansin sa kanya dahil mukhang nurse talaga siya.

Pinlano niya ang mga gagawin kay Mau. Sa comfort room ng ospital siya magpapalit ng damit. Baka mahuli siya kapag isusuot na ang uniporme. Baka magduda ang guard sa entrance ng ospital ay mapalpak na naman ang plano.

Inihanda niya ang iba pang mga gamit. Kabilang doon ang plastic tray na lalagyan ng gamot, thermometer at iba pa. Inihanda rin ang panyo na ipantatakip sa mukha ni Mau. May lason ang panyo. Kapag nalanghap ni Mau ang nakalagay sa panyo, hindi na siya magigising. Tepok!

Mga alas diyes ng gabi siya pupunta sa ospital. Iyon ang oras na wala nang gaanong tao sa pasil­yo malapit sa room ni Mau. Kapag nakapasok siya sa room ni Mau, kailangang isagawa agad niya ang pagpatay kay Mau at baka may makahuli sa kanya. Wala nang pagbabantulot pa. Tatakpan agad niya ang mukha ni Mau. Kahit hindi idiin ang panyo sa mukha, tiyak na mala-langhap agad niya ang lason. Baka isang minuto lang tigok na si Mau, ha-ha-ha!

Kinagabihan, pasado alas nuwebe lamang ng gabi inihanda na ni Mau ang uniporme at iba pang gagamitin. Kailangang pagpalo ng alas diyes ng gabi ay aalis siya at baka magkaron pa ng problema. Mas maagang preparado ay mas maganda!

Umalis na si Lylka, inilagay niya sa isang itim na plastic bag ang uniporme at  iba pang gamit.

Walang kahirap-hirap na nakapasok si Lyka sa ospital. Deretso siya sa comfort room para magpalit ng damit.

Pagkatapos magpalit, lumabas at tinungo ang room ni Mau.Walang tao sa pasilyo. Napangi­ti siya. Tamang-tama! Maisasagawa na niya ang pagpatay kay Mau.

(Itutuloy)

BAGAY

DERETSO

INIHANDA

KAPAG

LYKA

MAU

NIYA

SIYA

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with