^

True Confessions

Sinsilyo (206)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TUMIGIL si Tatang Kandoy sa paglalakad at lumingon. Nakita niya si Kastilaloy na malapit pa rin sa pinto ng kuwarto ni Lyka. Isinara niya ang pinto ng kuwarto. Humakbang si Kastilaloy patungo sa kinatatatayuan ni Kandoy.

“Kanina ka pa rito, tonto?” tanong nito.

“Ngayon lang Dune.’’

“Bakit ka narito? Anong ginagawa mo rito?”

Mabilis na nakapag-isip ng dahilan si Kandoy.

‘‘Naghahanap ako ng mga sako, Dune.’’

“Sako? Anong ga­gawin mo sa sako?”

“May ilalagay ako Dune. May sako ka ba? Mga apat na sako ang kailangan ko.’’

“Anong gagawin mo sa sako, estupido!”

“A e paglalagyan ko ng mga damit na luma. Ido-donate ko sa mga biktima ng Yolanda.’’

“Huwag mo akong lokohin ha? Masama ang mangyayari sa iyo! Magsabi ka ng totoo.’’

“Nagsasabi naman ako ng totoo, Dune. Kailangan ko talaga ng sako para paglag­yan ng mga damit. May alam ka bang mga sako, Dune. Ibigay mo sa akin at pag­la­lagyan ko ng mga da­mit.’’

Napahagikgik si Dune. Parang mi­na­­maliit si Kandoy.

“Anong damit ang ipamimigay mo e pawang gu­lanit na ang mga sinusuot mo? Dapat nga ay ikaw ang bigyan ng damit, he-he-he!”

“Marami akong lu­mang damit sa baul, Dune. Kaysa mabulok o anayin lang idodoneyt ko na lang sa mga biktima ng bagyo.’’

“Marami kang tsetse-buretse! Baka  kung ano ang binaba-lak mo at naghahanap ka ng mga sako.’’

“Hindi Dune, talagang kailangan ko ng sako. Baka may alam kang apat na sako.”

Nag-isip si Kastilaloy.

“Bakit hindi ka mag­hanap sa kuwarto mo, tonto? Doon ka maghanap at huwag dito. Baka mabulahaw si Lyka ay mayamot ‘yun at palayasin ka rito.’’

“Wala naman akong sako sa kuwarto, Dune.”

“Meron.’’

“Wala, Dune.’’

“Meron sa ilalim ng katre mo.’’

“Ba’t mo alam, Dune?’’

“Ay sa alam ko e. May reklamo ka?”

“Wala, Dune. Nagtatanong lang!”

(Itutuloy)

ANONG

BAKIT

DUNE

KANDOY

KASTILALOY

SAKO

SHY

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with