^

True Confessions

Sinsilyo (195)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PERO natuklasan ni Tata Kandoy ang mga basyo ng sako sa ilalim ng kanyang kutson. Aksidente niyang nakita ang mga sako nang linisin ang ilalim ng katre.

Nagtataka ang ma­tanda kung paano nag­karoon ng sako sa ilalim ng kutson. Nakatiklop ang mga sako na halatang inilagay doon nang ma­ayos. Apat na sako iyon.

Matapos mailabas ang mga sako ay naupo sa katre si Tata Kandoy at nag-isip. Sino kaya ang naglagay ng mga iyon? May malalim na motibo kaya inilagay ang mga iyon sa ilalim ng kutson. Pero kahit na anong pag-iisip, hindi niya maabot ang tunay na motibo kung sino man ang naglagay niyon doon.

Muli niyang dinampot ang mga sako. Kumuha ng isa sa mga roon. Binuklat. Tiningnan ang loob. Nakita niya ang mga tirang maliliit na bato sa loob. Mayroon ding buhangin.

Nagkaroon nang hinala ang matanda. Muling dumampot ng isa pang sako. Binuklat. Gaya ng unang sako, mga maliliit na bato rin ang nakita niya at pati buhangin. Ganundin ang laman ng ikatlo at ikaapat na sako. Mga bato ang inilagay doon. At sa itsura ng loob ng sako, pinuno ang mga iyon ng bato dahil nakamarka sa loob. Makikita ang mga nakadikit na buhangin sa bunganga ng sako.

Muling tiniklop ng matanda ang mga sako. Inilagay niya iyon sa isang kahon na nasa likod ng pintuan.

Pagkatapos ay lumabas siya. Mayroon na siyang pinaghihinalaan kung sino ang naglagay ng mga basyo ng sako. Pero kailangan muna niyang mag-imbestiga.

Paglabas niya sa bakuran, mayroon siyang napansin na bunton ng mga bato di kalayuan sa ginawang bahay-bahayang lata ni Kastilaloy. Sinuri niya ang mga bato. Katulad na katulad sa mga nakita niya sa loob ng sako. Walang ipinagkaiba ang mga iyon.

Nagkaroon ng kon­klusyon ang matanda na ang mga nakabunton na bato ay galing sa mga sako na nasa kanyang kuwarto. Matibay ang kanyang paniwala na pagkatapos alisin o itak­tak ang mga bato sa sako, dinala ang mga iyon sa silid niya at doon itinago.

May linaw na kay Tata Kandoy kung sino ang naglagay ng mga sako. Walang iba kundi si Kastilaloy! Pero ang tanong ay bakit?

Iyon ang iimbesti­gahan niya. Kailangang malaman niya ang motibo­.

 

ISANG araw, na­tiyempuhan naman ni Kastilaloy si Lyka. Galing sa banyo si Lyka.

Sinamantala iyon ni Kastilaloy. “May sasabihin ako, Lyka. Importante. Puwede ka?”

(Itutuloy)

BATO

IYON

KASTILALOY

LYKA

NIYA

PERO

SAKO

TATA KANDOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with