^

True Confessions

Sinsilyo (182)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANG dumating si Tata Kandoy sa boarding house na kinaroroonan ni Gaude ay ang may-aring babae ang naratnan niya. Nagtaka ang mabait na may-ari kung bakit may dalang electric fan si Tata Kandoy.

“Meron naman pong ginagamit na electric fan si Gaude, Lolo.’’

“Nakakahiya naman sa’yo Mam kaya dinalhan ko ng electric fan si Gaude.’’

“Para yun lang e, eto talagang si Lolo. Teka po, saan ka po ba nakatira?”

“Diyan lang sa may Mi­guelin.’’

“Malapit lang pala e bakit nag-board pa si Gaude.’’

“Ah kasi’y wala nang bakante sa bahay. Maliit lang kasi. Kaya nag-bed space na lang si Gaude.’’

“Ah kaya pala.’’

“Nandiyan po ba si Gaude, Mam.”

“Narito po. Pasok ka Lolo. Puntahan mo na lang sa kuwarto at siya lang naman ang naroon.’’

“Sige Mam. Salamat.’’

Pumasok na si Tata Kandoy.

Naabutan niya si Gau­de na inaayos ang higaan. Maayos na ang hitsura ni Gaude. Bagong paligo. Hindi na halata ang mga pasa at masigla na ang katawan.

“Gaude!”

“Lolo!’’

Lumapit si Tata Kandoy at ibinaba ang mga dalang unan at kumot sa ibabaw ng silya. Ang electric fan ay sa sahig.

Nagmano si Gaude.

“Maupo ka sa kama Lolo.’’

Naupo si Tata Kandoy. Naupo rin sa tabi niya si Gaude.

“Kumusta Gaude. Ayos ba ang lagay mo?”

“Ayos na ako Lolo. Wala na akong nararamdamang sakit. Umiinom ako ng gamot.’’

“Mabuti naman. Hindi na nga halata ang pasa sa pisngi mo. Pogi ka na uli.’’

Napangiti si Gaude.

“Dinala ko ang electric fan at saka pati unan at kumot.’’

“Ano ang gagamitin mong electric fan? Sana hindi mo na dinala. Pinagagamit naman sa akin ni Mam ang isang electric fan.’’

“Nakakahiya. Mabuting may sarili ka.’’

“Salamat Lolo.’’

“Paano ang pag-aaral mo?’’

“Pupunta ako sa school mamaya at kakausapin ko ang dean. Ipaliliwanag ko ang lahat kung bakit ako absent nang matagal.’’

“Mabuti. Para maka­pag­patuloy ka. Isang taon na lang at ga-graduate ka na. Mamaya bago ako umalis, bibigyan kita ng pera para ibili mo nang bagong uniporme at iba pang gamit.’’

“Saan ka kumuha ng pera Lolo?’’

“Siyempre nag-save ako mula sa pinagpalimu­san ko. Alangan namang si Mau, ang kabit niya at si  Kastilaloy lang ang ma­kinabang. Marami akong nai-save. Sapat-sapat para makapagpatuloy ka sa pag-aaral. Huwag kang mag-alala sa gagastusin.’’

Humanga si Gaude sa matanda.

(Itutuloy)

vuukle comment

AYOS

ELECTRIC

FAN

GAUDE

KUMUSTA GAUDE

LANG

LOLO

NAKAKAHIYA

TATA KANDOY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with