^

True Confessions

Sinsilyo (161)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

GANOON man, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Lolo Kandoy na isang araw ay makikita si Gaude. Ipagpapatuloy niya ang paghahanap. Kahit makarating siya sa Quiapo at Recto ay gagawin niya. Malakas ang loob niya na nasa paligid-ligid lamang si Gaude. Hindi ito makakalayo sapagkat walang pera. Kung sana ay sinunod siya ni Gaude na nagsubi ng mga barya, mayroon sana siyang ginagastos sa panahon ng pangangailangan gaya ngayon. Pero hindi rin niya masisi si Gaude sapagkat napakabait nito. Ayaw niyang magkasala kay Mau na tinuturing nang ama. Wala lang magawa nang siraan nina Lyka at Kastilaloy. Pinagbintangan ng kung anu-ano. At naisip din ni Lolo Kandoy, maaaring ang butas sa pader na ginawa ni Kastilaloy para silipan si Lyka habang naliligo ay binintang din kay Gaude. Tiyak na lahat nang masama ay binintang kay Gaude at naniwala naman si Mau.

Napatiimbagang si Lolo Kandoy. May araw rin kayo Kastilaloy at Lyka!

Kinabukasan, inintrega na ng matatanda ang kani-kanilang mga napaglimusan kay Kastilaloy. Nasa pintuan sila ng kuwarto ni Kastilaloy. Pawang kalahati ang laman ng mga lata. Takang-taka si Kastilaloy.

“Ba’t kakaunti? Kalahati lang sa lata ang mga barya! Kinuku-pitan n’yo ano?”

“Hindi kami nangu­ngupit, Dune! Kaunti na lang ang naglilimos ngayon.’’

“Kapag nahuli ko kayo, lalayas kayo rito. Hindi puwede ang ginagawa n’yo mga estupido. Bukas, kailangan ay punuin n’yo ang lata! Huwag kayong uuwi hangga’t hindi puno!”

(Itutuloy)

AYAW

BUKAS

GAUDE

HUWAG

IPAGPAPATULOY

ITUTULOY

KASTILALOY

LOLO KANDOY

LYKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with