^

True Confessions

Sinsilyo (134)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MINSAN lang dumarating ang pagkakataon sa buhay pero sinayang mo, Gaude,’’ sabi pa ni Tita Lyka na parang nanghihinayang din dahil hindi “natikman” ang bagitong si Gaude.

Humakbang si Lyka patungo sa pinto.

“Ano pong gagawin ko sa mga barya, Tita Lyka?’’

“Ilagay mo sa mga bag at idedeposito ko mamayang alas nuebe. Tama ba ang pagkakabilang mo? Baka kulang ‘yan?”

“Tama po. Wala pong kulang.’’

“Okey. Ilagay mo sa matibay na bag at mamayang alas nuwebe ay dadalhin ko sa banko. Mamaya, tulungan mo akong magbuhat.’’

Pinagmasdan ni Lyka ang mga baryang nakasalansan. Napapangiti ito habang nakatingin sa mga barya.

“Sigurado ka hundred thou ang binilang mo?”

“Opo. Hundred thousand po ‘yan.’’

“Okey sige…’’ humakbang na si Lyka patungong pinto. Pero bago binuksan ang pinto ay may naaalala. Humarap kay Gaude. “Siyanga pala, huwag mong isusumbong kay Mau ang tungkol sa mga barya. Masamang mangyayari kapag nalamam niya. Okey ba, Gaude?”

Tumango si Gaude.

“E nasaan po ba si Tito Mau, Tita Lyka?”

“Bakit mo tinatanong?”

“Gusto ko lang pong malaman, Tita.’’

“Nagha-hanap ng trabaho. Dun sa malayo. Baka mamaya o bukas ng umaga narito na ‘yun.’’

“Ano pong traba­ho?”

“Aba at makulit ka na Gaude. Basta naghahanap ng trabaho, period.’’

Napatango na lang si Gaude.

“Huwag mo ring sasabihin ang mga ginawa ko sa kuwarto mo. Baka madulas ang dila mo. Baka sabihin mo ang pag­huhubad ko habang nasa kama mo.’’

“Hindi po.’’

“Sige, lalabas na ako.’’

Pero bago lumabas si Lyka ay mabilis na naipatong ang kanang kamay sa harapan ni Gaude. Dinama kung gaano kalaki ang tinarago ni Gaude. Napaatras si Gaude. (Itutuloy)

 

ANO

BAKIT

GAUDE

ILAGAY

LYKA

PERO

TAMA

TITA LYKA

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with