^

True Confessions

Sinsilyo (129)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI dumating nang araw na iyon si Tito Mau. Napanis sa kahihintay si Gaude pero hindi dumating. Baka nagkamali si Tita Lyka sa tamang araw nang pagdating ni Tito Mau. Pero malinaw nitong sinabi na Linggo ang dating ni Tito Mau. At ngayon yun.

Pero dumating ang hapon hanggang sa gu-mabi ay walang Mau na dumating. Baka mamayang alas siyete o alas otso? Baka natrapik lang o nasiraan ang sinasak-yan kaya naatrasado ang pagdating. Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Gaude. Hangga’t hindi lumilipas ang Linggo ay malaki pa ang pag-asa na darating si Mau.

Pero nang gumabi nang gumabi at wala pa si Mau ay sunud-sunod na kaba na ang naramdaman ni Gaude. Maaaring magtungo na naman sa kanyang kuwarto si Lyka at itatanong ang mga barya na nagkakahalaga ng one hundred thousand. At maaaring hindi na ito maniwala sa sinabi niyang may “daga” sa kuwarto. Hindi na siya makapag-iimbento nang dahilan para hindi ito makapasok. Isang paraan na lang ay kung makakakuha siya ng patay na daga at iyon ang ipakikita niya para maniwala. Pero saan naman siya kukuha ng daga? Kailangang manghuli pa siya para mapaniwala si Lyka.

Habang palalim nang palalim ang gabi ay lalong lumalakas ang tambol sa dibdib ni Gaude. Tiyak na kakatok muli si Tita Lyka.

Nag-isip si Gaude ng paraan. Pero wala nang pumasok sa isip niya. Dahil marahil sa takot.

Paano kung malaman ni Lyka na wala pa siyang nabibilang na barya? Baka sigawan siya? Baka murahin siya!

Nang mag-alas dose ng hatinggabi, nahiga na si Gaude. Inaantok na siya. Bahala na si Batman.

Makalipas ang 15 minuto, may narinig siyang katok.

Lalong lumakas ang tambol sa dibdib niya.

“Gaude, buksan mo ito! Gaude!”

Bumangon siya at binuksan. Maliit lang.

“Papasukin mo ako!”

Kumamot sa ulo si Gaude.

“Papasukin mo ako! Isusumbong kita kay Mau kapag hindi mo ako pinapasok!” (Itutuloy)

GAUDE

LINGGO

LYKA

NANG

PERO

SIYA

TITA LYKA

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with