^

True Confessions

Sinsilyo (44)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“O ANONG ginawa mo? Nilinis mo ang inidoro na tinaehan ni Kandoy?” tanong ni Lolo Dune. Ma-lakas ang boses nito.

“Opo. Maliit na bagay lang po yun, Lolo Dune.’’

“Sabi ko sa’yo huwag mong pakialaman! Tonto!”

“Okey lang po sa akin, Lolo. Huwag ka na pong magalit. Nalinis ko na naman po.’’

“Kaya nga sabi ko sa’yo huwag mong pakialaman. Mamimihasa yun dahil sa ginawa mo.’’

“Hindi naman daw po siya ang may gawa nang nasa inidoro. Nagsasabi po siya ng totoo.’’

“Magaling mag-artista yun! Akala mo totoo kung magsalita! Kilala ko ang bituka ng sinverguenzang iyon. Ikaw hindi mo pa siya kilala. Bago ka lang dito pero ako, kabisado ko na siya.’’

Mukhang hindi mana-nalo si Gaude sa matandang Kastilaloy. Laging may katwiran ang Kastilaloy kaya nakaisip siya nang paraan.

“Lolo Dune, gusto mo linisin ko ang kuwarto mo? Wala naman akong gagawin ngayon.”

Napatingin ang matanda.

“Para mawala rin ang mga lamok. May dengue po ang mga lamok ngayon.’’

“Bakit mo naman naisipang linisin ang kuwarto ko?” tanong na parang diskumpiyado.

“E para po makaiwas sa mga sakit. Mahirap po kapag nagkasakit, Lolo.’’

Nag-isip ang matanda pero diskumpiyado pa rin kung makatingin.

“Ano po Lolo Dune?”

Walang sagot.

“Mawawala po ang ali-kabok dun.”

“Magkano ang ibaba-yad ko?”

Napangiti si Gaude. Mukhang papayag na ang Kastilaloy.

“Wala po! Libre!”

“Libre?”

“Opo.”

Nag-isip. Pagkalipas ng isang minuto ay pumayag.

“Sige. Linisin mo. Pero huwag mong ilalabas ang mga lata ko roon. Yung nasa ilalim ng papag!”

“Opo! Opo!”

“Sige! Linisin mo na. Dito na lang muna ako habang nililinis mo.’’

“Opo! Saglit lang po yun.’’

Umalis si Gaude. Ki­nuha ang walis tambo at dustpan. Tinungo ang kuwarto ni Lolo Dune. Pero nagtaka siya sapagkat hindi pala marumi ang kuwarto. Kakaunti ang alikabok. Nasa ayos ang papag na higaan. Maayos na nakasalansan ang mga lata. Hindi niya ginalaw iyon.

Walang gaanong dumi siyang nakuha. Wala pang sampung minuto, tapos na.

“Tapos na po Lolo Dune.’’

“Salamat.’’

“Wala pong anuman. E Lolo, huwag na po sana kayong mag-away ni Lolo Kandoy.’’

Napatango. Pero nagsalita rin.

“Sana magbago na siya. Kaya nawalan ng tiwala sa kanya si Mau…”

“Bakit po?”

(Itutuloy)

BAKIT

E LOLO

KASTILALOY

KAYA

LOLO

LOLO DUNE

OPO

PERO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with