Halimuyak ni Aya (Wakas)
NATAPOS ang inagurasÂyon ng MA. CHRISTINA DELA VEGA MEMORIAL SCHOOL. Masayang nag-uwian ang mga panauhin. Ang mga guro naman ay nagtulung-tulong na inaÂyos ang mga ginamit sa inagurasyon. Nilinis ang stage. Kinabukasan ay umpisa na ng klase kaya kailangang nakahanda na ang lahat.
Nang magpaalam sina Sam sa mga guro ay mahigpit siyang niyakap ng principal. Walang patid ang pasasalamat. Pati ang ibang guro ay nagpakuha pa ng picture kasama sina Sam at Aya.
“Lagi ka po sanang bumisita rito Doc Sam,†sabi ng principal.
“Opo. Iyan po ang gagawin ko. Hindi ko po pababayaan ang school na ito sapagkat alaala ito ng ama kong Saudi at ng aking ina. Lahat po nang pangangailangan ng school ay sasagutin ko. Bilin po ng aking amang si Abdullah, ibuhos lahat ang tulong sa mga batang mag-aaral. Huwag ko raw itong pababayaan.’’
“Salamat Doctor Sam. Nakikiramay po uli kami sa pagkamatay ng iyong ama.’’
“Marami pong salamat. Huwag kayong mag-alala at hindi ko kayo malilimutan. Iiiwan ko po ang aking cell number at tawagan o itext lang ako kapag may problema. O kaya sabihin niyo kay Tatay Felipe na caretaker ng aming bahay at siya na ang bahala.’’
“Salamat po uli. Sana po magkaroon ka nang mahabang buhay at ganundin si Mam Aya at sa lahat po nang mga kasama mo.’’
“Wala pong anuman, Mam.’’
Bago umalis sina Sam patungong Maynila ay dinalaw sina Girlie at Mario sa bagong tirahan nito sa farm. Nasiyahan siya sapagkat maayos na ang buhay ng mag-anak. Naabutan niyang nagpuputi ng mangga sina Girlie. Mara-ming tiklis ng mangga ang dadalhin sa palengke.
“Okey ba kayo Girlie, Mario?â€
“Okey na okey po Doc Sam. Salamat po uli.’’
“Kung may problema kayo, text lang sa akin ha o kaya sabihin kay Tatay Felipe.’’
“Opo. Salamat po.’’
Mahigpit na niyakap ni Sam si Tatay Felipe bago sila umalis.
“Ikaw na po ang bahala rito, Tatay Felipe. Matutuwa si Mama, Tatay Nado at Nanay Cion dahil narito kang mag-aasikaso sa bahay nila.’’
“Oo. Sam. Ako ang bahala rito. Salamat sa inyong mag-asawa.’’
“Wala pong anuman. Lagi kaming dadalaw dito ni Aya.’’
Umalis na sila patu-ngong Maynila.
Nang sumapit sa Makati, bumaba sina Numer at Imelda.
“Maraming salamat, Tita Imelda, Tito Numer. Pumunta kayo sa amin sa Linggo. Mayroon akong ibibigay sa inyong mag-asawa,†sabi ni Sam.
“Okey, darating kami Sam, Aya. Maraming sa-lamat,†sabi ni Tita Imelda.
Kinagabihan, nakatanaw sa bintana ng condo sina Sam at Aya. Pinapanood nila ang mga bituin sa langit.
“Natupad lahat ang pangarap ko Aya. Masa-yang-masaya ako. Walang kasing saya.’’
“Ako man, Sam. MasaÂyang-masaya ako.’’
Mahigpit na niyakap ni Sam ang asawa. NasamÂyo niya ang halimuyak nito.
“Matulog na tayo Aya.’’
“Tena.â€
Tinungo nila ang kama.
(BUKAS, ABANGAN ANG ISA PANG KAPANA-PANABIK NA NOBELA NI RONNIE M. HALOS. HUWAG KALILIGTAAN.)
- Latest