Halimuyak ni Aya (484)
PERO bago naputol ang kanilang pag-uusap, may inihabol pa si Imelda kay Numer.
“Teka, Numer, saan tutuloy si Abdullah. Dito ba sa bahay nina Sam?’’
“No. Sa isang five star hotel siya. Ayaw daw niyang makagambala o makaabala. Pero sa gabi lang siya mag-i-stay sa hotel. Gusto niya buong araw ay makasama ang pamilya ni Sam.’’
“Mga gaano ba siya tatagal dito Numer?’’
“Mga two weeks daw. Sabi niya sa loob ng panahong iyon ay marami na silang mapag-uusapan ni Sam. Kapag nag-enjoy siya ay gagawin niyang three weeks.’’
“Sana one month ano?’’
“Posible yun.’’
“Sabihin mong gawin nang one month para maÂsaya.’’
“Balak ko, Imelda habang narito siya ay magpakasal na tayo. Para makita naman niya kung paano tayo kinasal.’’
“Sige, Numer. Lalo tuloy akong na-excite.’’
“Ako rin, Imelda. Kung masaya sina Sam at Abdullah, masaya rin tayo.’’
“Oo nga Numer. Talagang masa-yang-masaya ako.’’
“Pero sinabi na ba kay Sam na maÂaaring makita na niya ang kanyang ama?’’
“Sabi ni Aya, inuunti-unti niyang sabihin. At sabi raw ni Sam, para raw imposible na magkita silang mag-ama. Pero kung magkikita raw sila magigiging maligaya siya. Pero hindi raw siya masyadong aasa.’’
‘‘Siguradong magugulat siya, Imelda. Kasi, si Abdullah, talagang gusto nang makita si Sam. Kahapon nga, tinatanong niya kung ano ang magandang gift kay Sam. Sabi ko naman, yung presensiya niya ay malaki at magandang regalo na kay Sam.’’
“Hindi kaya ako mapaiyak sa pagkikita nila, Numer?’’
“Magdala ka na nang maraming panyo at tissue.’’
“Oo yan nga ang gagawin ko, Numer.’’
“Sige, Imelda. Aayusin ko pa ang mga damit ko. Lahat nang mga gamit ko rito ay ipina-air freight ko na. Hindi na ako babalik dito. Gusto ko magkasama na tayo habambuhay. Hindi na naman tayo magugutom dahil sapat na ang ating ipon.’’
“Masayang-masaya ako, Numer.’’
“Okey bukas ng alas nuwebe, nandiyan na kami ni Abdullah. Bye, Imelda.â€
“Bye, Numer!’’
KINABUKASAN, may sinabi si Aya kay Sam. Nakaharap si Imelda.
“Sam, may susunduin tayo nina Tita Imelda sa NAIA?’’
“Sino?’’
“Kapag nasa NAIA na tayo saka ko sasabihin…’’
(Itutuloy)
- Latest