Halimuyak ni Aya (483)
“NOONG una, sabi ko sa sarili, kahit makita ko lamang ang retrato ng aking ama, okey na sa akin. Pero hindi pala sapat iyon. Habang tumatagal, nararamdaman ko na gusto ko siyang makita nang personal at mayakap,†sabi ni Sam makaraang ang ilang sandali nang pananahimik.
“Gusto mo na siyang makita, Sam?â€
“Oo. Pero imposible yatang mangyari, Aya. At saka hindi natin kabisado ang ugali ng mga Saudi. Di ba madalas tayong makabalita na minamaltratong maid doon. Hindi naman sa nilalahat ko, pero marami na tayong nababalitaang kalupitan sa mga kababayan. Sa nga-yon, mahirap magsabi kung kikilalanin akong anak ng aking amang Saudi.’’
“Ako positibo na magkikita kayo, Sam. Basta maniwala ka lang.’’
“Sige, maniniwala ako. Sabi nga, kaÂpag inisip mong ganoon ang mangyayari, iyon ang mangyayari.’’
“’Yan ang gusto ko sa’yo Sam.’’
“At kapag nangyari ‘yan, Aya, ako ang pinaka-maligayang tao sa mundo. Wala na akong hihilingin pa dahil nasa akin na lahat --- mabait na asawa, mga anak, magandang trabaho, sagana sa pera at marami pang biyaya.’’
“Mangyayari ang wish mo Sam.’’
LUMIPAS pa ang ilang buwan. Patuloy ang pagtatawagan nina Imelda at Numer. Ina-update ni Numer si Imelda sa mga nangyayari ukol sa balak na pagtungo sa Pilipinas ni Abdullah Al-Ghamdi para makita si Sam. Pinaplantsa na ang mga papeles.
Hanggang eksaktong isang taon ang lumipas, tumawag si Numer ng madaling araw.
“Imelda, parating na kami ni Abdullah. Mamayang alas sais ang flight namin. Mga 9:00 a.m. ang dating namin the following day.’’
“Okey hihintayin namin kayo. I love you Numer.’’
“Love you too!’’
(Itutuloy)
- Latest