^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (415)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nagtungo si Sam sa fifth floor at pinakatuktok ng ospital. Iyon ang nagsisilbing parking area. Walang gaanong sasakyang naka-park doon. Dumako siya sa gilid. Pinagmasdan niya sa ibaba ang mga kabahayan at at ang mga sasakyang hindi maubus-ubos sa pagdaan. Tumingala siya at nakita niya ang maaliwalas na kalangitan. Hindi gaanong mainit ang sikat ng araw. Malamig ang simoy ng hangin. Masarap sa pakiramdam.

Habang nakatanaw sa kalawakan, muling nagbalik sa alaala ni Sam ang mga nakaraan niyang buhay. Naalala niya ang kanyang Lolo Ado at Lola Cion na mula noong sanggol pa siya ay ibinuhos na ang panahon sa kanya. Kung hindi dahil sa dalawang matanda ay baka hindi siya nakarating sa ganito kataas na posis­yon. Ang kanyang lola ang gumawa ng paraan para siya makasuso ng gatas mula sa ibang ina na walang ina kundi si Mama Brenda. Kung buhay pa sana sina Lolo Ado, Lola Cion at Mama Brenda, siguro’y tuwang-tuwa ang mga ito sa magandang kinahan­tungan ng kanyang buhay. Noon pa pangarap nina Lolo Ado at Lola Cion na magkaroon ng apong doctor. At siguro’y masayang-masaya rin si Mama Brenda sapagkat natupad ang pangarap para sa kanya. Noon natatandaan niya, kapag nagbibigay ng pera si Mama Brenda kay Lola Cion, lagi nitong sinasabi na itago iyon para magamit sa pag-aaral. Walang ibang inisip noon si Mama Brenda kundi ang magkaroon siya ng magandang kinabukasan. At natupad ang lahat ng mga iyon.

Naalala rin naman niya si Dr. Paolo del Cruz, ama ni Aya na naging mabuti rin sa kanya. Pinatira siya sa bahay nito nang libre. Kung makikita nga sana niya si Dr. Paolo magpapasalamat siya rito. Marami ring naibigay na payo sa kanya si Dr. Paolo noong nag-aaral pa siya ng Medisina. Mahusay ding doctor ang ama ni Aya. Nanghinayang siya nang malaman na nagkahiwalay sila ni Dr. Sophia. Sayang na sayang ang pagsasama ng dalawa. Nahumaling umano si Dr. Paolo sa ibang babae.

Napabuntunghininga si Sam. Sana, magkita sila sa darating na araw ni Dr. Paolo.

Nang mapagod sa pagmamasid, ipinasya ni Sam na bumalik na sa third floor. Baka may naghihintay siyang pasyente sa kanyang klinika. Ang kanyang klinika ay ang inokupa noon ni Dr. Paolo. Si Dra. Sophia ang nagsabi sa kanya na doon na mag-clinic. Pansamantala lang naman daw hangga’t ginagawa pa ang sariling opisina at klinika.

May ilan nang pasyen-teng naghihintay sa kanya. Inasikaso niya ang mga iyon.

Dakong hapon, sinundo naman niya si Aya sa pinagtrabahuhan nitong publication. Pagkatapos ay kakain sila sa paboritong restaurant. Habang kumakain ay muli nilang nirebyu ang mga gagawin sa nakatakdang kasal.

“Sam, next month na ang kasal natin, kinakabahan ako.’’

“Ba’t ka naman kinaka­bahan?”

“Siguro’y dahil sa sobrang excitement. Pagkaraan nang matagal na pagpaplano, eto at ikakasal na pala tayo.”

“Darating daw ba sina Julia at George?”

“Oo. Kausap ko si Julia kanina.”

“Plantsado na pala lahat.’’

“Oo. Kung may pagba-bago, baka minor lang. Okey na ang pagdarausan. Garden wedding…”

“Excited na rin ako, Aya.”

Hinagilap ni Aya ang kamay ni Sam at pinisil.

“I love you Dok Sam.”

 

DALAWANG linggo ba-go ang kasal, may lala­king naghanap kay Aya. Nasa opisina siya noon. Ti­nawag siya ng lady guard. Nasa lobby ang lalaki.

(Itutuloy)

AYA

DR. PAOLO

LEFT

LOLA CION

LOLO ADO

MAMA BRENDA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with