Halimuyak ni Aya (410)
NAGTAKA si Dra. Sophia del Cruz sa sinabi ni Aya. Ano kayang ipagtatapat sa kanya nito at seryosong-serÂyoso.
Maski si Sam ay nagtaka kay Aya. Ipagtatapat na kaya nito kay Doktora ang tungkol sa tunay na pagkatao. Maaaring iyon ang sasabihin dahil wala naman siyang alam na iba pang lihim ni Aya. Pero bakit kaya ngayon niya naisipang sabihin iyon. Biglang-bigla naman yata.
“Aba oo, sure. Ano ang sasabihin mo Aya?’’ Mahinahong tanong ni Doktora.
“Tita, may kaugnaÂyan po ito sa dati mong husband kay Dr. Paolo.â€
Nagulat si Doktora. Bakit nasama ang dati niyang asawa. Naguguluhan na siya.
“Ano ang tungkol doon, Aya?â€
“Anak po ako ni Dr. Paolo, Tita.â€
Napamaang si Doktora. Nakatitig kay Aya. Pagkaraan ay nagpaÂlipat-lipat ang tingin kay Sam at Aya. Talagang nabigla siya. Hindi nga niya alam ang sasabihin kay Aya. Parang ayaw niyang maniwala.
“Anak ka ni Paolo?†tanong sa marahang boses.
“Opo. Ang mama ko po ay si Brenda. Patay na po siya.’’
Napatangu-tango si Doktora.
“Lihim ko pong hinaÂnap ang aking amang si Dr. Paolo. Tinulungan ako ni Sam na makita siya. Ayaw po kasi ni Mama na makita ko si Papa. Malaki po ang galit ni Mama kay Papa. Niloko raw po siya nito. Pero gusto ko namang makita at mayakap ang aking papa. Nasasabik ako sa ama….†Tumigil si Aya at maya-maya ay pumatak ang luha.
“Sige Aya, ituloy mo, gusto kong marinig,†sabi ni Doktora.
“Nagkita nga po kami ni Papa. Tuwang-tuwa ako at mahigpit siyang niyakap. Sabik na sabik ako sa kanya. Kaya lamang, nang hilingin kong dalawin niya si Mama nang mamatay ito, ay hindi niya ginawa. Hindi na rin niya ako tinext at tinawagan mula noon. At nalaman ko na nga po na wala na pala siya rito sa Pilipinas. Nasa US na at mayroon nang ibang asawa….’’
“Iniwan niya ako Aya dahil hindi ko siya mabigyan ng anak. Pero hindi ko naman siya sinisisi sa ginawa sa akin. Kaya ko namang magtiis. Mahal ko kasi ang Papa mo kaya natitiis ko ang lahat…’’
“Tita, hindi ka nagagalit sa akin?â€
“Ba’t naman ako magagalit? Natutuwa nga ako ngayon at may anak pala si Paolo. Anak na rin kita kung ganoon. Kaya pala nang una kitang makita, ang gaan-gaan ng loob ko sa’yo…’’
“Tita…†sabi ni Aya at niyakap si Doktora.
(Itutuloy)
- Latest