^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (353)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

IBINABA ni Aya ang regalo para kay Sam. Kahit walang okasyon, nire­regaluhan niya si Sam. Ganundin naman si Sam sa kanya. Madalas, may pasalubong na pagkain si Sam sa kanya. Dumadayo pa nga si Sam sa Quiapo para ibili siya ng lumpiang sariwa. Paborito niya ang lumpiang sariwa na nabibili sa may Raon.

Nagtataka pa rin siya kung bakit mag-aalas sais na ay wala pa si Sam. Baka naman nali­bang sa pagre-review. Pero alam niya hanggang alas dos o alas tres lang ang review. Baka naman nagderetso sa Quiapo at bumibili ng lumpiang sariwa. Sana nga, paborito niya ang lumpiang sariwa. Ayaw naman niyang i-text si Sam. Baka nasa review center pa ay makaabala lang siya.

Tiningnan niya kung ano ang mailuluto para kay Sam. Maraming laman ang ref. May manok, baboy at boneless ba-ngus doon. Inilabas niya ang manok. Magtitinola siya. Paborito ni Sam ang tinola. Dadamihan niya ang luya. Sabi ni Sam, mahusay sa lalamunan ang luya. Nawawala ang pangangati ng lalamunan at pamamaos. Naniniwala siya kay Dr. Sam.

Habang hinihiwa ang pitso ng manok, ay nakangiti si Aya at iniiisip ang magiging kasal nila ni Sam sa sandaling makapasa ito sa board exam. Iproposed kaya niya na garden wedding ang kasal nila. Uso nga-yon ang garden wedding. Mga alas tres ng hapon gaganapin. Parang tamang-tama na lumulubog ang araw ay pinag-iisang dibdib sila. Ang reception ay doon na rin mismo sa lugar ng pagkakasalan sa kanila. Lalakad lang ng kaunti at doon na ang salu-salo. Hindi na mapapagod ang mga ninong at ninang at mga guest.

Inimadyin na rin niya ang motif ng kanilang kasal. Lavender kaya o green? Mas maganda yata ay yellow. Napangi­ti si Aya. Gusto niya pa­wang naka-amerikana ang mga lalaking dadalo. Magandang tingnan. Maski sa video at photos ay napa-kaayos pagmasdan.

Sa mga ihahandang pagkain, gusto niya ay ihahain sa guest. Ayaw niya nung nakapila ang guest sa pagkuha ng pagkain. Kapag maraming kinuha ang nasa unahan, malamang maubusan ang nasa hulihan. Pero siyempre pag-uusapan nila ni Sam ang bagay na iyon. Pero palagay niya kung ano ang gusto niya, gusto na rin ni Sam.

Pagkatapos hiwain  ang pitso ng manok, bina-latan niya ang luya. Isang malaking luya ang bina-latan. Hiniwa-hiwa niya pagkatapos. Nang hindi sinasadya ay nahiwa ang kanyang daliri. Dumugo. Mahapdi. Masakit!

NANG mga sanda-ling iyon, sa condo unit ni Julia. Pagkatapos alalayan ni Sam si Julia sa pagpasok sa unit ay balak na sana niyang umalis. Pero nakiusap si Julia na maghintay muna kahit mga 15 mi-nutes. Magpapahinga lang daw sandali sa kuwarto. Talaga raw masama ang pakiramdam.

Naiwan sa salas si Sam. Nanood siya ng TV. Pero 30 minutes na ang nakalipas ay hindi pa lumalabas si Julia.

Pinasya na ni Sam na puntahan sa bedroom nito. Gusto na niyang magpaalam.

Pero nagulat siya    sa nakita, nakahiga si Julia. Ang ganda!

(Itutuloy)

 

AYA

AYAW

DR. SAM

JULIA

NIYA

PABORITO

PERO

SAM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with