^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (341)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGPAALAM si Dra. Sophia kina Sam at Aya.

“Excuse me for a while. Magpapahanda lang ako ng snack.’’

Nang makalayo si Doktora, may sinabi si Aya.

“Kinabahan ako Sam. Para raw narinig na niya ang name ko. Hindi kaya nakakahalata siya? Matalino si Doktora e.”

“Hindi naman siguro.’’

“Hindi kaya may binanggit si Papa kay Doktora. O kaya nadulas ang bibig at nasabi ang pa-ngalan ko. Kasi kanina, titig na titig sa akin. Para bang mayroon siyang nakikita sa akin.’’

“Natural sa mga taong matatalino na kinakabisa ang kausap kaya nakatitig.’’

“Pero iba ang pakiramdam ko Sam.’’

“Relaks ka lang, Aya.’’

“Pero alam mo, gusto kong kausap si Doktora. Mabait pala siya.’’

“Sabi ko na sa’yo. Parang nakaka-magnet ang personality ‘no?’’

“Oo. Tama ka na parang masarap siyang ma-ging ina.’’

“Parang si Mama Brenda rin di ba? Kaya nga mahal na mahal ko ang mga babaing katulad nila at katulad mo rin.’’

“Hindi kaya magkaroon ng problema sa ginagawa nating ito na parang iniespiya natin si Doktora. Wala siyang kamalay-malay na may relasyon ako sa dati niyang asawa. Hindi kaya ako masisi sa dakong huli.’’

“Ba’t ka naman masisi-si e wala naman tayong masamang intensiyon.’’

“’Yung paglilihim natin sa kanya.’’

“Wala naman tayong masamang balak kaya naglihim ng pagkatao mo.’’

“Kasi ngayong nakita ko na siya at nalaman na mabait pala, parang nakokonsensiya ako na mayroon tayong itinatago.’’

“Huwag ka munang mag-worry. Kapag nag-worry ka baka lalong ma-kahalata. Kung ano ang iniisip mo, iyon ang mangyayari. Kaya the best na pawang positive ang isipin mo. Okey?’’

“Okey po Doktor Sam.’’

May naramdaman silang yabag.

“Ayan na si Doktora. Please calm.’’

Kasunod ni Doktora ay ang maid. Dala ang tray na may pagkain.

“Magmeryenda muna kayong dalawa. Ako ang gumawa ng cookies na ito. Masarap ito. Magugustuhan n’yo sigurado,’’ sabi  ni Doktora.

Ibinaba ang tray na  may cookies. May dalawang baso na puno ng juice ---- parang raspberry juice dahil pula ang kulay.

“Sige habang nagku-kuwentuhan tayo ay kumain kayo.’’

Dumampot si Sam ng cookies. Dumampot din si Aya.

“Ang sarap po Doktora,’’ sabi ni Sam.

‘‘Ano yan bola o totoo?’’

“Totoo po. Masarap po talaga.’’

‘‘Totoo po ang sinabi ni Sam, Doktora,’’ sabi ni Aya.

‘‘Sige, naniniwala na ako,’’ sabi at muling tumitig kay Aya na parang may inaalala. Hindi naman nakipagtitigan si Aya.

Nahalata iyon ni Sam kaya nag-isip ng itatanong kay Doktora.
“Hindi ka na po nagpa-practice sa pagiging physician?’’

“Hindi na. Pagsusulat na lang ng Health Book at mga Inspirational ang inaatupag ko.’’

“Gusto ko pong ma-kabasa ng mga libro mo, Doktora. Saan po mabi­bili?’’ tanong ni Aya. Sina­bi ng Doktora kung saan mabibili.

‘‘Meron akong ibibigay sa inyong dalawa ni Sam.’’

‘‘Salamat po.’’

Marami pa silang napagkuwentuhan. Hanggang magpaalam na ang dalawa. Hindi inaasahan ni Aya ang sinabi ni Doktora sa kanya.

‘‘Alam mo, ang gaan ng loob ko sa’yo. Hindi ko alam kung bakit.’’

Hindi makapagsalita si Aya pero masaya siya sa sinabi ng Doktora. (Itutuloy)

AKO

AYA

DOKTOR SAM

DOKTORA

DUMAMPOT

KAYA

SAM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with