Halimuyak ni Aya (337)
“HMMM, sabi ko na nga ba…†sabi ni Doktora Sophia makaraang sabihin ni Sam na anak siya ng isang Saudi National. “Noong una kitang makita sa klase ko, naisip ko nang may lahi kang Arab.’’
“Nabuntis po ng Saudi ang mama ko. Domestic helper po siya noong 80’s. Tumakas siya at nagtungo sa Philippine Embassy. Isinilang po ako rito pero siya naman ang namatay.’’
Nakatingin si Doktora kay Sam. Hindi marahil inaasahan na magkukuwento siya ng mga personal niyang buhay.
“Ang lolo at lola ko po ang nagpalaki sa akin. Ginawa nila ang lahat para ako mabuhay. Ipinanghingi po ako ng gatas ng ina. Mayroong naawa na nagpasuso sa akin at nabuhay po ako.’’
“Ang ganda pala ng story mo Sam.’’
“Pang-Maalala Mo Kaya, Doktora…†sabi ni Sam at nagtawa.
“Puwede nga, Sam. Kung ako sa’yo iaaalok ko ang story sa mga produ-cer. Kakaiba ang kuwento mo…’’
“Huwag na po Doktora. Baka po bigla akong su- mikat e magulo ang buhay ko. Okey na ako sa kalagayan ngayon.’’
“Sabagay. Pagtuunan mo na lang ang Medicine. At saka talagang bagay sa’yo ang Medicine…’’
“Iyon po talaga ang piÂnagtutuunan ko ngayon. Gusto kong makatapos ng pag-aaral at maging doctor. Iaalay ko iyon sa mga lolo at lola ko.’’
“Napakabuti mo.â€
Naisip ni Sam, ano kaya at tanungin niya si Doktora ukol naman sa buhay nito. Baka ikuwento ang tungkol kay Dr. Paolo del Cruz, ang kanyang asawa. Pero hindi ginawa ni Sam. Unethical iyon. Hayaan na lang niya na magkuwento si Doktora.
Nagsunud-sunod ang ring ng phone ni Doktora. Iyon ang hudyat para magpaalam na si Sam.
“Aalis na po ako Doktora.’’
“Sana pumunta ka uli rito kapag may vacant time ka.â€
“Opo Doktora, dadalawin po kita.’’
“Salamat, Sam.’’
Umalis na si Sam.
Habang nasa dyipni pauwi ay tiniyak ni Sam na dadalawin si Doktora. Gusto niyang mapalapit sa mabait na doktora.
Naisip din naman niya, kung ikuwento kaya niya kay Aya ang pagkikita nila ni Doktora, magalit kaya ito sa kanya. Minsan, sinabi ni Aya sa kanya na huwag nang dalawin ang doktora.
Naguguluhan siya.
(Itutuloy)
- Latest