Halimuyak ni Aya (307)
HINDI napilit nina Sam at Aya si Lolo Ado na ipagsama sa Maynila. Wala silang nagawa kundi igalang ang pasya ng maÂtanda. Pasya ni Sam, lagi na lang dadalawin ang matanda. Kung maaari, linggu-linggo ay narito siya. Sabi ni Aya, sasama siya kay Sam sa pagtungo rito.
Isang araw bago ang pagluwas nina Sam ay kinausap muli siya ni Lolo Ado.
“Sam, bago pa maÂmatay ang lola mo, nailagay na namin sa pangalan mo ang kaunting ari-arian natin. Ikaw na ang bahala. Sabi ng lola mo, kung maaari ay huwag mong ipagbibili, kasi dito ka nagÂmula…’’
Napangiti si Sam.
“Ba’t ko naman ipagbibili?â€
“Kasi baka bigÂla kang magipit sa pera…’’
“Hindi po Lolo. May pera pong iniwan si Mama Brenda sa amin. Sobra-sobra ang pera namin.’’
“Yun namang bilin ni Lola mo ay kung maÂaari lang.’’
“Opo Lolo. Pangako ko na hindi ko ipagbibili ang anumang iiwan n’yo sa akin.’’
“Salamat Sam. Matutuwa ang Lola mo, sigurado ako.’’
“Pero bakit parang naghahabilin ka na sa akin Lolo?â€
“E mabuti nang alam mo. Yung iba kaÂsing mga mataÂtanda, hindi sinasabi sa mga maiiwan ang mga mahahalagang bagay kaya nagkakaroon ng kaguluhan.’’
“Kasi parang nagpapaalam ka na sa akin, Lolo. Huwag mo muna akong iiwan. Hintayin mong makatapos ako ng pagka-doktor at ako ang gagamot sa’yo.’’
“Oo, Sam. Hihintayin kong makatapos ka at ikaw ang gagamot sa akin. Paghusayan mo ha. Sana ikaw ang manguna sa pagsuÂsulit… ano nga ba yun, Sam?’’
“Medical board exam mo.’’
“Oo. Sana ikaw ang una.’’
“Pipilitin ko Lolo.’’
“Salamat, Sam.’’
Kinabukasan, paÂalis na sina Sam at Aya. Pinilit muli nila si Lolo Ado na sumama sa kanila pero ayaw talaga. Wala raw mag-aalaga sa puntod ni Lola Cion.
Nagmano sina Sam at Aya kay Lolo Ado bago umalis.
Nang bumaba sila ng bahay, parang kinabahan si Sam. Parang iyon na ang huli nilang pagkikita ni Lolo.
(Itutuloy)
- Latest