^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (306)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG umaga, nagulat si Sam nang hindi makita si Lolo Ado. Tinanong niya si Aya.

“Nakita mo ba si Lolo?’’

“Hindi. Kagigising ko lang. Baka naman nasa bakuran?”

“Tiningnan ko. Wala roon.’’

“Hindi kaya nasa sementeryo?”

“Baka nga. Pupuntahan ko.’’

“Sasama ako.’’

“Kumain ka muna. May pagkain na sa kitchen.’’

“Ikaw, kumain ka na, Sam?”

“Oo. Kanina pa.’’

“Saluhan mo ako.’’

Nagtungo sila sa kusina. Nagsandok si Sam ng kanin at ulam.

“Gusto mong magkape?’’ tanong ni Sam.

‘‘Oo.’’

Ipinagtimpla ni Sam.

“Kain ka na.’’

“Kumain ka uli.’’

Kumain muli si Sam.

Habang kumakain, napag-usapan nila si Lolo Ado.

“Naaawa ako kay Lolo, Aya. Balak ko, isama na siya sa pagluwas natin. Mas maaalagaan natin siya kung nasa Maynila.’’

“Iyan din ang sasabihin ko sana sa’yo Sam. Kawawa naman kung iiwan natin dito. Matanda na siya.’’

“Pero sa palagay mo kaya, sumama sa atin. Ang alam ko, ang mga matatandang nasanay na rito sa probinsiya ay ayaw manirahan sa Maynila. Mas gusto nila rito.’’

“Subukan nating kumbinsihin si Lolo.’’

“Kung kasama natin siya, hindi tayo mangangamba na baka kung ano ang nangyayari sa kanya rito.’’

“Tama ka, Sam. Dalawa tayong magtutulong para alagaan siya.’’

“Nagsisisi nga ako kung bakit hindi ko pa sila nayaya sa Maynila. Sana buhay pa si Lola kung naroon at kasama ako. Mas madali siyang madadala sa ospital. Sana…buhay pa siya.’’

“Huwag mo nang sisihin ang sarili mo.  Talagang hanggang doon na lang ang buhay ni Lola.’’

Napansin ni Aya na na­ngilid ang luha ni Sam. Hindi naitago ang kalungkutan sa pagyao ng lola. Maski si Aya ay napaluha rin.

“Sana, pumayag si Lolo. Tulungan mo akong makumbinsi siya, Aya.”

“Oo.’’

Matapos kumain, nagtungo sila sa sementeryo.

Tama ang hula ni Aya. Naroon nga si Lolo Ado at nagbabantay sa puntod ni Lola Cion.

“Lolo!” Tawag ni Sam.

Lumingon si Lolo Ado.

“Kanina ka pa rito, Lolo?”

“Oo, Sam. Mga alas-sais ng umaga. Hindi pa sumi­sikat ang araw narito na ako. Pangako ko sa Lola mo, araw-araw ko siyang dadalawin. Kahit umulan at umaraw.’’

Natigilan si Sam. Nagka­tinginan sila ni Aya. Ma­aaring mabigo sila na kumbinsihin si Lolo na sumama sa kanila sa Maynila at doon na manirahan.

Pero sinubukan pa rin ni Sam ang plano.

“Lolo, gusto ko sana, isama­ ka sa Maynila para lagi kitang naaasikaso. Walang mag-aasikaso sa iyo rito dahil nag-iisa ka.’’

Biglang nagtawa si Lolo.

“Naku itong batang ito at ako pala ang inaalala. Okey lang ako rito. Baka umikli ang buhay ko kapag dinala mo ako sa Maynila. At saka sino ang mag-aasikaso sa kabuhayan natin dito. Sino rin ang mag-aalaga sa puntod ng Lola mo. Pangako ko nga sa kanya, araw-araw ko siyang dadalawin dito…”

(Itutuloy)

 

AKO

AYA

KUMAIN

LOLA

LOLO

LOLO ADO

MAYNILA

OO

SAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with