Halimuyak ni Aya (285)
ANG mataray na secretary pa rin ni Dr. Paolo del Cruz ang nakausap ni Sam. Palagay ni Sam ay hindi na siya natatandaan ng secretary at dahil din siguro sa nakauniporme siya. Nagkunwari siyang makikipag-appointment kay Dr. Cruz. Pero nagulat si Sam nang sabihin na wala na roon ang doctor.
“Hindi na po nagki-clinic dito si Dr. Dr. Del Cruz.’’
“Oo. Wala na siya rito.’’
“Matagal na po?’’
“Mga dalawang buwan na,†sagot at tiningnan si Sam na parang naghihinala. “Sino ka ba? Bakit mo tinatanog?â€
Pero may nakahanda na siyang sagot.
“E estudyanye po niya ako, may itatanong lang po regarding sa subject.’’
“Ay naku, hindi ko alam kung nasaan siya.â€
“Nasa abroad po kaya?â€
“Hindi ko nga alam.’’
Napansin ni Sam na ang pangalan pa rin ni Dr. Del Cruz ang nakalagay sa pinto ng clinic room.
“Pero babalik pa po ba siya kasi nakalagay pa rin ang kanyang name sa pinto.’’
“Hindi ko alam.’’
Magtatanong pa sana si Sam pero halatang inis na ang secretary at akmang isasara na ang pinto.
Nagpaalam na siya.
“Salamat po,†sabi niya.
Agad isinara ng secretary ang pinto. Lumikha ng ingay ang pagsalya.
Umalis na si Sam.
Pagdating sa kanilang unit, agad ibinalita ni Sam kay Aya ang mga natuklasan.
“Hindi na raw nagki-clinic ang Papa mo sa ospital.’’
“Nasaan na raw si Papa?â€
“Hindi raw alam ng seÂcretary. Pinipilit kong tanungin pero tinatarayan na ako.’’
“Bakit kaya wala na roon si Papa?’’
“Hindi ko alam.’’
Natahimik si Aya. Kahit na mayroong hinanakit sa ama, nag-aalala rin.
“Bakit hindi man lang siya tumatawag o nagti-text sa akin o sa’yo?’’
“Hula ko, wala siya rito. Baka nasa ibang bansa.’’
“Doon na nakatira?’’
“Maaari.’’
“Paano ang asawa niya — si Dra. Sophia del Cruz?’’
“Hindi kaya hiwalay na sila?’’
Nag-isip si Aya.
“Si Dr. Sophia lang si-guro ang makakasagot ng katanungan natin.â€
“Tatanungin mo siya?â€
Tumango si Sam.
(Itutuloy)
- Latest