Halimuyak ni Aya (185)
“SIGE, TJ mauuna na kami ni Sam. Salamat at sinamahan mo ako habang naghihintay,†sabi ni Aya.
“Okey lang Aya. Ingat kayo,†sabi naman ni TJ at tumingin kay Sam. Tumango lang si Sam. Nakangiti naman si Aya.
Umalis na sina Sam at Aya. Habang naglalakad sa Morayta, nagtanong si Sam.
“Bakit ang saya-saya mo habang nakikipag-usap sa TJ na yun?â€
Napangiti si Aya.
“E paano ang sarap niyang kausap. Laging nagpapatawa.â€
“Bakit matagal ba kaÂyong nagkuwentuhan?â€
“Oo. Ang tagal mo kaÂsing dumating. Usapan natin, 6:00 e anong oras ka dumating?â€
“Mabilis lang ako ah.â€
“Mabilis daw e ang dami na naming napagkuwentuhan. Tawa nga ako nang tawa. Ang galing pang magsalita…â€
“Ang lakas nga ng tawa mo.’’
“Paano kung anu-anong kalokohan ang pinagsasabi niya sa prof namin. NakiÂpagtalo pa e mali naman pala.â€
“Anong nakakatawa roon?â€
“Yung pagsasalita kasi niya, nakakatawa. Hagalpakan nga pati mga kaklase namin.’’
“Para yun lang, tawang-tawa ka na?â€
Napatingin si Aya kay Sam.
“Para kang naka-singhot ng rugby. Nakasinghot ka ba, Sam?â€
“Hindi.’’
“Kasi’y parang kung magÂtanong ka e “high†ka.â€
“Ikaw nakasinghot ka na ba ng rugby?â€
“Hindi.â€
“Bakit mo nasabing “high†ako.â€
“Ay ang mama, naging piÂlosopong bigla. Siguro, gutom ka ano. Halika, kumain muna tayo sa McDo. Kilala kita kapag gutom ka e.â€
“Huwag na, uwi na tayo. Gagabihin tayo. Walang kakain ng luto ni Mama Brenda.â€
“Hindi! Halika, kumain muna tayo,†hinawakan siya sa braso ni Aya at hinila patungo sa McDo.
Hindi na nagmatigas pa si Sam. Baka may makaÂkita pa e sabihing korni sila.
“Dun tayo sa sulok,†sabi ni Aya at tinungo nila ang upuang pangdalawahan. Naupo sila. Maraming kumain at pawang mga estudyante.
“Ako na ang oorder. Ako ang nagyaya.’’
“Etong share ko.â€
“Mamaya na lang.’’
“Sige.â€
Umalis si Aya.
Kinuha ni Sam ang kanyang notebook sa backpack at nagbasa.
Maya-maya, narito na si Aya at dala ang kanilang order. Ibinaba sa mesa.
“Ang bilis ko ano?â€
Kumain sila.
“Gutom ka kaya mainit ang ulo mo ano?â€
“Hindi.â€
“E bakit?â€
“Wala lang.â€
“Puwede ba yun?â€
Hindi sumagot. Hindi rin siya tumingin kay Aya sa halip, tumingin sa may pinto. Hanggang makita niya ang isang estudyanteng babae na papasok. Si Julia!
Kinabahan si Sam!
(Itutuloy)
- Latest