^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (155)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG araw nakatanggap ng text si Sam mula sa kanyang Lolo Ado. Pinauuwi siya sa probinsiya dahil may sakit daw si Lola Cion at gusto siyang makita.

Agad nagpaalam si Sam kay Mama Brenda at Aya.

“May sakit si Lola, Mama Brenda uuwi po muna ako. Hinahanap daw ako ni Lola.’’

‘‘Sige, Sam. Kawawa naman si Nanay Cion. Mag-impake ka ng damit para makahabol ka sa bus. Maaga pa naman. Ano raw sakit ni Nanay?’’

“Hindi po sinabi. Basta umuwi raw po ako at hina-hanap ako ni Lola.’’

“Sige na, maghanda ka na, Sam.’’

Binalingan ni Sam si Aya. 

‘‘Wala munang susundo sa’yo Aya. Ingat ka sa pag-uwi.’’

‘‘Oo. Kung wala kaming exam bukas, sasama ako sa’yo.’’

“Saka ka na lang sumama sa akin. At saka biglaan ito.’’

‘‘Wala ka bang exam bukas Sam?’’

“Natapos na ngayon. Buti nga at natapos na kundi baka kumuha pa ako ng permit para sa special exam.’’

‘‘Ikumusta mo ako kay Lolo at Lola.’’

“Oo.’’

Pumasok si Mama Brenda sa kanilang kuwarto. Maya-maya ay lumabas. May hawak na sobre. Iniabot kay Sam.

“Ibigay mo kay Nanay at Tatay’’

Kinuha ni Sam ang sobre.

“Sabihin mo sa kanila kung may kailangan ay tawagan ako. Nasa iyo naman ang number ko.

“Opo Mama Brenda.’’

‘‘Sabihin mo kay Nanay na magpagaling siya. Kumain siya nang kumain para lumakas agad.’’

‘‘Opo. Sasabihin ko po.’’

Dali-daling nag-impake ng damit sa kanyang backpack si Sam. Tinulungan siya ni Aya.

“Mga kailan ka kaya uuwi, Sam?’’

“Hindi ko alam. Iti-text ko sa’yo. Kapag medyo maayos na ang lagay ni Lola, baka sandali lang ako.’’

“Mahihirapan ako kapag wala ka.’’

“Huwag kang lalabas ng kuwarto kapag narito si Tito Janno. Alam mo na ang ibig kong sabihin, Aya…’’

“Oo, alam ko. Salamat sa paalala.’’

Umalis na si Sam. Kailangang makaabot siya sa bus na patungo sa kanilang probinsiya.

“Ihahatid pa kita sa terminal, Sam?’’

“Huwag na. Salamat.’’

“Babay Sam.’’

KINABUKASAN, nag-text si Sam kay Aya. Baka mga tatlo o apat na araw siya sa probinsiya dahil mahina pa ang katawan ni Lola Cion. Kailangang alagaan ni Sam ang matanda.

Noon naisipan ni Aya na mag-isang puntahan sa ospital ang amang doktor. Ipinagtanong sa information kung dumating na si Dr. Paolo del Cruz sa clinic nito sa Rm. 315. Hindi pa raw. Natuwa si Aya sapagkat ibig sabihin, narito na sa bansa ang ama.

Nagtanung-tanong siya sa guard kung saan dumadaan si Dr. Del Cruz. Dito raw sa lobby.

Naupo si Aya sa mga bangkong naroon at inaba-ngan ang doktor.

(Itutuloy)

AKO

AYA

BABAY SAM

LOLA

LOLA CION

MAMA BRENDA

NANAY

OO

SAM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with