^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (138)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HAHAKBANG na si Sam palayo nang may maa­lala. Tinawag si Aya na noon ay papalayo na.

“Mamaya daanan kita, ala una ang labas ko.’’

“Sige. Dun na lang tayo magkita sa McDo sa tapat ng school namin.’’

‘‘Sige. Ingat ka Aya.’’

‘‘Bye Sam.’’

Maayos ang sa­ mahan nina Sam at Aya. Higit pa sa magkapatid ang turingan nila. Kung maaari, ayaw ni Sam na mapag-iisa si Aya sa bahay. Baka matiyempuhan na naroon si Tito Janno ay mayroon na namang kakaibang mapansin si Aya at magbigay ng problema.

Kaya siya na mismo ang nagpipresenta na daanan ito sa unibersidad na pinag-aaralan. Sabay silang uuwi kaya nakatitiyak siyang walang mang­yayari kay Aya pagdating sa bahay.

“E di ang layo ng nilakad mo, Sam? Napagod ka?’’ tanong ni Aya nang magkita sila sa hintayan matapos ang klase.

‘‘Hindi. Fifteen minutes walk lang naman.’’

“Salamat, Sam. Teka, ano nga palang oorderin mo?’’

“Hamburger lang at fries.’’

Nagtungo si Aya sa counter at nag-order.

Nang makuha ang order, nagkuwentuhan sila habang kumakain. Matapos kumain, umuwi na sila. Payapa si Aya kapag kasama si Sam.

Ganoon araw-araw ang ginagawa nina Sam at Aya.

Minsan, susunduin ni Sam si Aya nang may tumawag sa kanya.

“Sam! Sam!”

Si Julia! (Itutuloy)

AYA

BYE SAM

GANOON

HIGIT

INGAT

SAM

SI JULIA

SIGE

TITO JANNO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with