Halimuyak ni Aya (129)
NANG mapagod sa pag-iikot sa mall, niyaya ni Aya si Sam na kumain. Sa isang restaurant sila nagtungo.
“Masarap ang pagkain dito. Minsan na kaming nakakain ni Mama rito.’’
“Kayong dalawa ang kumakain?â€
“Oo. Sino pa ba naman ang kasama namin?â€
“Si Tito Janno.’’
“Naku, hindi yun sumasama! Mas gustong kasama nun ay ang mga sugarol sa casino. Addict na sa sugal yun. Pati nga SUV sinangla. Gustong makabawi pero lalong nalubog.’’
“Hanggang ngayon nagsusugal pa?â€
“Oo. Kita mo’t hindi pa umuuwi mula nang umalis kahapon. Napansin mo ba kung nasa bahay?â€
“Hindi. Natatandaan ko sabi niya ay pupunta sa concert.’’
“Concert nga --- concert ng mga sugarol.’’
Napangiti si Sam.
Natigil ang pag-uusap ng dalawa ng lumapit ang waiter. Binigyan sila ng menu card. Hinintay ang kanilang order.
“Pili ka na Sam. Yung hindi mo pa natitikman.’’
Naghanap si Sam sa menu.
“Kare-kare ang gusto ko, Aya.’’
“Ano pa?â€
“Tama na yun.â€
“Isa pa. Pili ka pa.â€
“Half fried chicken.’’
“Hindi ka nagsasawa sa chicken. Kaninang umaga yan ang niluto ni Mama di ba?â€
“Tikman ko ang chicken dito.’’
“Okey.’’
Sinabi ni Aya ang mga order sa waiter. Nang makuha ay umalis na ito.
“Ako ang magbabayad ng kakainin natin, Aya.â€
“Ako ang nagyaya kaya ako ang magbabayad.’’
Nang dumating ang kanilang inorder ay nag-patuloy sa pagkukuwentuhan.
“Okey kaya kay Tito Janno na tumira ako sa inyo?’’
“Si Mama ang bahala. Huwag mong problemahin ang taong walang kuwenta.’’
“Baka magalit kapag nakatira na ako sa inyo.’’
“Kung ayaw niyang pumayag, sabihin ko kay Mama na umupa na lang ng apartment para doon tayo tumira. Okey sa’yo, Sam?â€
“Oo naman. Basta mag kasama tayo.’’(Itutuloy)
- Latest