Halimuyak ni Aya (79)
“HELLO, sino ito?â€
Tinig ni Aya. MalamÂbing. Masarap sa taynga. Lumakas ang tibok ng puso ni Sam. Sa di-kalayuan ay nakatingin sina Tatay Ado at Nanay Cion. Nakikinig. Excited din sila sa pag-uusap nina Sam at Aya.
“Si Sam ito. Kumusta ka Aya?â€
“Sam?!â€
“Oo ako si Sam.â€
“Kasi nagbago ang boses mo, Sam. Akala ko kung sino.â€
“Mabuti hindi nagbago ng number ang cell ni Mama Brenda. Try lang ang pagtawag ko sa number.Â’’
“Paano mo nalaman ang number?â€
“Di ba binigay mo sa akin.â€
“Ay oo nga.â€
“Kumusta ka na Aya? Pati si Mama Brenda?â€
“Mabuti naman... si Mama okey… din.â€
“Bakit hindi na kayo umuuwi rito?â€
“E, nag-aaral ako. Hindi naman maaaring mag-absent.Ââ€
“Di ba wala namang pasok pag-Linggo?â€
“Nag-aaral ako ng lesson kapag Sunday.â€
“E kailan kayo uuwi rito?â€
“Hindi ko alam. Walang sinasabi si Mama.’’
“Siguro ayaw mo nang pumunta rito?â€
“Gusto. Si Mama nga lang ang masusunod kung kailan kami pupunta.â€
“E kumusta naman ang studies mo?â€
“Okey naman. Ikaw, kumusta ang studies mo?â€
“Ako ang top sa klase.â€
“Overall?â€
“Oo.â€
“Wow ang galing!â€
“Hindi naman.â€
“Paano ka nagka-cell phone?â€
“Binili ni Lolo. Mabuti nga at binili ako. Natatawagan na kita.â€
Maya-maya tumigil si Aya sa pagsasalita. Nasagap naman ni Sam na may nagsisigawan. Pagkatapos ay nagsalita uli si Aya.
“Mamaya ka na lang uli tumawag Sam. Kasi… basta mamaya na!â€
(Itutuloy)
- Latest