Halimuyak ni Aya (70)
MATALINO si Sam. Nakikita ito sa walang tigil niyang pagtatanong sa maraming bagay lalo na ang tungkol sa sarili. Alam niyang namatay ang kanÂyang mama (Cristy) sa panganganak sa kanya. Lagi niyang nakikita ang retrato ng kanyang ina na nakasabit sa dingding sa kuwarto. Madalas niyang pagmasdan ang mukha ng ina. At may pagkakataon na napapaiyak siya kapag tinitingnan ang retrato ng ina.
Minsan ay naabutan siya ni Nanay Cion na nakatingin sa retrato ng ina at humihikbi. Kararating lang ni Sam mula school at agad siyang nagtutungo sa kanyang kuwarto para tingnan ang kanyang mga laruan. Nang mapagmasdan nga niya ang retrato ng ina.
“Bakit ka umiiyak, Sam. Naalala mo si Aya ano?’’
‘‘Hindi po Lola.’’
‘‘E ba’t ka umiiyak?’’
‘‘Naalala ko po si Mama.’’
Hindi nakapagsalita si Nanay Cion. Maski siya ay nabigla sa sinabi ni Sam. Ngayon lang nagsalita si Sam ukol sa ina.
‘‘Matutuwa si Mama mo dahil naalala mo siya, Sam. Teka nga pala...may naalala ako.’’
‘‘Ano po yun Lola?’’
‘‘Sa Lunes ay ikalimang taon nang pagkamatay ng mama mo, Sam.’’
‘‘Five na lola? E di ba birthday ko sa Lunes?’’
“Ay oo nga. Birthday na nga pala ng apo kong guwapo. Ano nga pala gusto mo sa birthday mo?’’
“Cake at saka ice cream.â€
“Sige maghahanda tayo. Papupuntahin natin lahat dito ang mga classmate mo at magpa-party tayo. Marami tayong ihahanda sa ikalimang birthday mo. Maraming ibinigay na pera si Mama Brenda mo para sa iyo…’’
Masaya na si Sam nang malamang pupuntahin lahat sa bahay ang mga classmate niya.
“Sana Lola, nandito si Aya sa birthday ko para masaya.’’
“Ipagdasal mo na pumunta rito sina Aya.’’
“Opo Lola.’’
Pero hindi pa rin pala natatapos ang pagtatanong ni Sam. Tungkol naman sa kanyang papa ang napagbalingan.
‘‘E lola, ano po ba itsura ng papa ko. Guwapo rin po ba tulad ko?’’
Napangiti si Nanay Cion.
‘‘Oo guwapung-guwapo ang Papa mo.’’’
“E bakit wala siyang picture?’’
Napaka-bilis mag-isip ng tanong ni Sam. At hindi masagot ni Nanay Cion ang mga tanong nito.
(Itutuloy)
- Latest