^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (56)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NAKAKAAWA si Lina. Palagay ko sasaktan  uli iyon ni Kardo pagdating sa kanila,” sabi ni Nanay Cion.

‘‘Maayos naman sila nang masalubong ko. Kaya lang hindi ako sinagot ni Lina nang batiin ko. Yung asawa, ngiting aso sa akin.’’

‘‘E paano nga natatakot kay Kardo. Kanina, pumapalahaw ng iyak at ayaw sumama kay Kardo. Pero kinaladkad ni Kardo. Awang-awa talaga ako.’’

“Mukha namang   ma­ sama ang ugali ni Kardo. Yung pagmumukha na lang e talagang bastos at walanghiya.’’

“Bigla na nga lang pumasok kanina at nang pagsabihan ko, huwag daw akong makialam.’’

“Putang inang yun ah. Pasalamat siya at wala ako kanina.  Bagong hasa yung itak ko diyan. Baka akala niya uurungan ko siya. Kahit matanda ako, kayang-kaya ko siyang pabulagtain.’’

“Kaya nagpasalamat ako kanina na wala ka. Naisip ko baka hindi mo magustuhan ang bigla niyang pagpasok.’’

“Talagang hindi. Tres­passing na yun. Kahit tagain ko siya rito sa loob ng bahay wala siyang laban. Pumasok siya nang walang pahintulot. Subukan uli niya na basta pumasok dito at tatag-pasin ko ang ulo niya.’’

“Ay Diyos ko, sana ay huwag nang magtungo rito si Lina. Kasi nga kaya nagtungo rito si Kardo ay dahil sinundan si Lina.”

“Pero hindi siya dapat pumasok nang walang permiso.”

“Biglang pumasok Ado. Nagulat nga ako.’’

“Makikita ng Kardo na iyon kung sino ako kapag pumasok pa siya rito.’’

“Sabi ni Lina, ayaw na raw niyang makisama kay Kardo. Sabi pa, pagdalaw daw ni Brenda rito ay sasama siya patungong Maynila. Magpapahanap daw siya ng trabaho.’’

“Mabuti pa nga hiwa-la­yan na niya ang Kardong iyon. Baka mapa­tay pa siya nun.’’

“Nakakaawa talaga si Lina. Napaka-bait pa naman. At saka malaki ang utang na loob natin sa kanya. Kung hindi sa kanya, baka kung ano na ang nangyari kay Sam. Marami ring nasuso si Sam kay Lina.”

“Ang proble­ma ay hindi pa dumarating si Brenda. Di ba dapat ngayong linggong ito ang pagdalaw niya?’’ tanong ni Tatay Ado.

“Oo baka sa Sabado o Linggo ay narito na sina Brenda at Aya.’’

Pero hindi dumating sina Brenda ng buwan na iyon. Nasira ang pa-ngako kay Sam. Naisip naman ni Nanay Cion at Tatay Ado na baka hindi ito “makatakas’’ sa asawang si Janno.

Si Sam ay laging nag-aabang kay Aya. Nagmamaktol na.

“Lola, bakit kaya wala pa sina Aya?’’

“Darating na yun, Sam. Huwag kang ma-inip.’’

“Baka hindi na sila darating? Galit na ako sa kanya, Lola!’’

(Itutuloy)

AKO

AYA

BRENDA

KARDO

NANAY CION

PERO

SIYA

TATAY ADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with