^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (29)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI kumukurap si Na­nay Cion habang nakikinig kay Brenda. Lalo na ang bahaging sumakay ng traysikel si Brenda na ang drayber ay mukhang addict at meron pang ka­ angkas na mukha rin daw addict. Pero kaila-ngang makaalis si Brenda sa lugar sapagkat baka habulin pa siya ni Paolo. Ayaw na niyang makita ang nobyo na walang paninindigan at hindi siya kayang protektahan.

Ipinagpatuloy ni Brenda ang pagkukuwento.

“Nang sumampa po ako sa traysikel, nagdasal ako na walang masamang mangyari sa akin habang nasa biyahe. Mga 15 hanggang 20 minutes takbuhin ang patungo sa terminal at sa pagkakata­tanda ko, madalang pa ang mga kabahayan sa dadaanan ng traysikel.

“Habang tumatakbo ang traysikel ay nag-uusap ang drayber at kasama niya pero hindi ko ma­intindihan. Nakikiramdam lamang ako. Kung may gagawing masama ang da­lawa ay sisigaw ako. Hindi naman ako tatalon sa traysikel dahil marami na akong nabalitaan na na­ matay sa pagtalon. Sisi­gaw lang ako ng sisigaw. Mayroon akong nail cutter sa bulsa, kapag pupuwersahin ako, isasaksak ko iyon sa sinumang lalaspatangan sa akin. Saka ay napansin kong tumutulo ang luha ko. Bakit kaila-ngang mangyari sa akin ito? Akala ko mapoprotek­han ako ni Paolo? Bakit niya ako pinabayaan?

“Hanggang sa mamala-yan ko na huminto ang traysikel. Natigilan ako. Bakit huminto. Narinig ko ang tray­ sikel drayber. Sabi, ‘Ate terminal na po. Pero nakaalis na raw biyaheng alas kuwatro patungong Maynila’. Magalang naman pala ang drayber. Bumaba ako. Nakita ko na wala na ngang bus. Tinanong ko ang traysikel drayber kung anong oras ang sunod na biyahe. Mga 5:30 raw. Diyos ko. Baka abutan ako ni Paolo kung maghihintay dito.

“Saka nag-offer ang tray­sikel drayber na ihatid ako sa isa pang terminal na hindi naman kalayuan. Doon daw ay oras-oras ang alis ng bus. Pumayag ako. Iyon ang pinakama­buti para hindi ako abutan ni Paolo rito. Tinanong ko kung magkano naman ang ibabayad ko sa kanila. Bahala na raw ako.

“Nagpahatid na ako sa isa pang terminal. Tama ang sabi ng traysikel drayber, laging may bus na paalis. Eksakto ang dating ko. Binigyan ko ng P100 ang traysikel drayber. Tuwang-tuwa na nagpasa-lamat ang dalawa. Nagpasalamat din ako.

“Nakahinga ako nang maluwag nang nasa loob na ng bus. Maya-maya pa, umalis na ito. Pumikit ako. Ayaw kong maalala ang masaklap na karana­san na nalasap sa ina ng lalaking aking minahal. Tumulo na naman ang luha ko…”

(Itutuloy)

AKO

AYAW

BAKIT

BRENDA

DRAYBER

PERO

SHY

TRAYSIKEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with