^

True Confessions

Alakdan (299)

Pilipino Star Ngayon

MATAGAL na nagkatitigan sina Troy at Kreamy. Saglit na tumigil ang inog ng mundo para sa kanila. Hindi pa rin sila makapaniwala na magkikita ngayon. Wala sa kanilang hinagap. At dito pa sa bahay na ito nagkataon pang birthday ni Kreamy.

“Merry Chistmas at happy birthday, Kreamy. Hindi ko nalilimutan ang birthday mo.’’

“Salamat, Troy. Merry Christmas.’’

‘‘Hindi ko akalain ito, Kreamy.’’

“Ako man.’’

‘‘Ngayon ka lang ba nagpunta rito, Kreamy?’’

“Dalawang beses na.’’

‘‘Ako dalawang beses sa isang buwan.’’

“Sabi nga ni Digol. Tuwing 15th at 30th daw.’’

‘‘Marami ka na palang alam sa akin, Kreamy.’’

‘‘Oo naman.’’

‘‘Pati lihim ko alam mo na rin?’’

‘‘Oo. Noon pa, Troy.’’

‘‘Kinuwento rin ni Digol sa’yo?’’

‘‘Hindi.’’

‘‘Sinong nagkuwento, Kreamy?’’

‘‘Si Mama.’’

“Si Mam Siony?’’

‘‘Oo. Lahat sinabi niya. Yung lahat nang kinu-wento mo sa kanya, alam ko na.’’

‘‘Marami ka na palang alam sa akin, ako wala pang nalalaman ukol sa’yo.’’

‘‘Ano naman ang gusto mong malaman sa akin?’’

Natigilan si Troy. Dapat na ba niyang sabihin kay Kreamy ang nararamdaman niya? Ipinasya ni Troy na sabihin na. Ito na ang tamang pagkakataon. Magiging witness pa sina Digol at Pau.

‘‘Gusto kong malaman kung single ka pa, Kreamy.’’

Nagtawa si Kreamy. Naitakip ang kanang kamay sa bibig.

“Oo naman. Kung hindi na ba ako single maka-pupunta pa ako rito?’’

Si Troy naman ang nagtawa.

“Oo nga ano? Ako naman single pa rin.’’

“Oo alam ko na rin ‘yan.’’

“Sinabi ni Mam Siony?’’

‘‘Sinabi ni Pau.’’

Napahalakhak si Troy.

‘‘Aba talaga palang marami nang nagbenta sa akin,’’ sabi at tumingin sa direksiyon ni Pau na nasa di-kalayuan. Katabi ni Pau si Digol.

‘‘Pero alam mo Troy, napakabubuti nina Digol at Pau. Mahusay pang magtago nang lihim.’’

“Ano namang lihim ‘yun?’’

“Ipinakiusap ko kasi kay Digol na huwag babanggitin sa’yo na nagpunta ako rito. At tinupad niya ang pangako. Ayaw ko kasi malaman mo.’’’

‘‘Bakit naman ayaw mong malaman ko?’’

“Basta.’’

‘‘Ah siguro gusto mo ako ang pumunta sa inyo, ano.’’

Napangiti lang si Krea­my.

“Sabihin mo ang totoo, Kreamy.’’

Hindi nagsalita si Kreamy. Nakangiti lang at nakatingin kay Troy. Sina Digol at Pau naman ay hindi mailarawan ang kasiyahan sa mukha.

“Matagal na kitang gustong makita, Kreamy…’’

“Ako man, Troy…’’

(Itutuloy)

AKO

ANO

DIGOL

KREAMY

LSQUO

OO

TROY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with