Alakdan (297)
NAGULAT si Pau sa balak ni Kreamy sa Pasko. Hindi agad siya nakapagsalita. Parang pinagtitiyap ang pagkakataon. Si Troy ay dito rin sa bahay na ito magpapasko at si Kreamy ay ganundin.
Na-excite si Kreamy. Magiging masaya nga ang Pasko nila dahil dalawang taong mahal nila ang magkikita.
“Totoo po Mam Krea-my na dito ka magpapasko sa bahay?” tanong ni Pau.
“Oo, Pau. Gusto ko masaya tayo?’’
“Excited po ako, Mam Kreamy. Ngayon lang po ako makapagseselebreyt nang masayang Pasko.’’
“Sabihin mo sa Papa mo, ihanda ang mesa dahil marami akong dalang pagkain.’’
‘‘Opo, sasabihin ko po.’’
‘‘Nasaan ba ang Papa mo, Pau?’’
“Narito po. Gusto n’yo pong kausapin?’’
“Sige.’’
Ibinigay ni Pau ang cell phone kay Digol.
“Hello, Digol. Diyan ako magpapasko bukas. Ihan-da mo ang malaking mesa ha. Magdadala ako nang maraming pagkain na pagsasaluhan natin.’’
“Sige Kreamy, ihahanda ko ang mesa. Ano pang gagawin ko?’’
“Yun lang. Mga 9:00 a.m. ako darating bukas. Magsisimba lang ako.’’
“Sige, Kreamy hihintayin ka namin ni Pau, bukas.’’
‘‘Kakausapin ko uli si Pau, Digol.’’
Ibinigay ni Digol ang cell phone kay Pau.
“Hello Pau, hintayin n’yo ako bukas ha. Siyanga pala ‘yung Christmas gift ko sa’yo bukas ko na rin ibibigay.’’’
“Salamat po, Mam Kreamy. Hihintayin ka po namin bukas.’’
“Bye Kreamy.’’
Masayang-masaya ang mag-ama sa takbo ng mga nangyayari. Akalain ba nilang may mangyayaring kakaiba bukas.
“Papa, tamang-tama ang pagpunta rito ni Tito Troy at Mam Kreamy. Pagtatagpuin natin sila bukas. Naisip ko Papa, gawin nating kakaiba ang pagtatagpo nila bukas.’’
“Paano naman anak?’’
“Sosorpresahin natin ang dalawa. Sasa- bihin natin meron tayong games na naisip kaya kailangan na piringan sila. Si Tito Troy muna ang una nating ipapasok sa salas at pauupuin sa isang silya na nasa gitna ng salas. Papatayin natin ang ilaw. Sasabihan natin si Tito Troy na huwag magsasalita. Pagkatapos, isusunod natin si Mam Kreamy. Pipiringan din natin siya at saka iuupo sa isang silya. Magkaharap sila ni Tito Troy. Sasabihan din natin si Mam na huwag magsasalita. Kapag nakaupo na sila saka natin aalisin ang kanilang piring. Pagkatapos ay bubuksan natin ang ilaw.’’
Hangang-hanga si Digol kay Pau.
“Ang husay talaga ng anak ko. Napakatalino mo!’’
“Excited ako Papa sa mangyayari bukas.’’
(Itutuloy)
- Latest