^

True Confessions

Alakdan (296)

Pilipino Star Ngayon

“MAGPAPA-CATER tayo. Yung masasarap na putahe. Gusto ko masayang-masaya ang Pasko natin, Digol, Pau.’’

Hindi makapagsali-ta si Digol sa sinabing balak ni Troy sa Pasko. Dalawang araw na lamang at Pasko na.  Si Pau ay hindi rin makapaniwala pero nakalarawan sa mukha ang matinding kaligayahan.

“Pinsan, hindi ka ba nagbibiro?”

Nagtawa si Troy.

“Kailan ba naman ako nagbiro, Digol. Lahat nang sinabi ko totoo at gagawin ko.’’

“Kasi’y kung magkakatotoo, ngayon lamang ako makakaranas nang masayang Pasko sa buong buhay ko. Wala akong matandaang Pasko na masaya, Pinsan. Kasi nga noong bata pa ako, masyadong mahirap ang buhay sa probinsiya natin. Tapos maaga akong naulila. Talagang ngayon lang ako makakaranas nang masaya at masaganang Pasko. At bukod doon kasama ko itong anak ko. Napakaligaya ko, Pinsan. Sige, pawang masasarap na pagkain ang ipahanda mo…’’

“Akong bahala, Digol. Yung caterer na madalas na nagsi-serve sa aming office ang kukunin ko. Da best ang pagkain nila.’’

Ang nakatingin na si Pau ay nagbigay ng suhestiyon. “Tito Troy, puwede bang may seafoods?”

“Aba’y oo kung yun ang gusto mo. Lahat nang gusto n’yo e ilista at ako ang bahala.’’

“Pinsan, gusto ko e meron tayong kaunting alak para pampagana.’’

“Sure. Basta huwag mo lamg sosobrahan.’’

“Konti lang. Gusto ko talaga ma-feel ang Pasko.’’

Pinagmasdan ni Troy ang kabuuan ng salas. Pagkaraan ay napata-ngu-tango.

“Gusto ko sana Digol, madagdagan pa ng dekorasyong pang-Christamas itong salas. Gusto ko, colorful, puwede pa kaya? Bibigyan kita ng pera, bumili ka mamaya.”

“Oo, Pinsan. Akong bahala. Naisip ko na ‘yan nung huli kang pumunta kaya lang mas­yado tayong nalibang sa pag-uusap tungkol kay Kreamy.’’

“Oo nga. Sige,  bumi­li ka mamaya para mai-dekorasyon mo na bukas. Para sa Pasko, napakasaya nitong salas.’’

“Anong oras ka pupunta rito, Pinsan?’’

“Sa umaga. Yung ca­tering service, mas maagang darating. Gusto ko eksaktong 12:00 p.m. kakain na tayo.’’

“Areglado, Pinsan.’’

“Teka, may bago na ba kayong damit, Digol?”

“Wala pa nga Pinsan.’’

“Sige, mamaya pagbili n’yo ng dekor, isabay n’yo na pagbili ng damit. Gusto ko yung maganda ang bilhin n’yo.  Okey ba Pau?”

“Okey po Tito. Ngayon pa lang excited na ako. Eto rin po ang pinaka-masaya kong Christmas.’’

“Sige, etong pera.’’

Pagkaraang ibigay ay umalis na si Troy.

Makaraang umalis si Troy, nagring ang cell phone ni Digol. Si Pau ang pinasagot ni Digol.

Si Kreamy ang nasa kabilang line.

“Hello, si Digol puwede bang makausap? Si Kreamy ito.”

“Mam Kreamy si Pau po ito. Ako po ang pinasagot ni Papa kasi mahina raw ang taynga niya. Bakit ka po tumawag?”

“Gusto kong diyan magselebreyt ng Pasko. Sabihin mo sa Papa mo, magdadala ako ng pagkain na pagsasaluhan natin. Gusto ko masaya tayo…”

(Itutuloy)

 

AKO

DIGOL

GUSTO

PASKO

PINSAN

SI KREAMY

SIGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with