^

True Confessions

Alakdan (254)

Pilipino Star Ngayon

“NAPAIYAK ako sa ha­rap ng mag-asawang Sir Abdulaziz at Mam Nuhra. Hindi matapus-tapos ang aking pasasalamat. Sabi pa nila huwag daw akong mahihiyang humingi ng tulong sa kanila. Tumawag daw ako o sumulat sa kanila.”

“Napakabait po pala nila, Mam Siony.’’

“Oo. Hindi totoo ang sinasabi ng ilan na pawang malupit ang mga Saudi.’’

“Ano pong sunod na nangyari? Sinabi mo po kay Mang Dolfo na pinayagan ka nang makauwi ng iyong mga amo.”

“Oo. Sabi ni Dolfo, susunod daw siya kapag malapit na akong ma-nganak. Nasa tabi ko raw siya kapag sinilang na ang baby namin.’’

“Inihatid ka po sa airport ni Mang Dolfo.’’

“Hindi na ako nagpahatid. Delikado na may makakita sa aming motawa. Ang mga amo ko ang naghatid sa akin sa KKIA.’’

“Pagdating po rito sa Pilipinas, saan ka tumuloy?”

“Dito na sa pinsan ko. Maliit pa lang itong bahay na ito. Yung pinsan ko ay matandang dalaga at siya lamang ang tangi kong pinagkuwentuhan ng lahat. Hindi ako umuwi sa San Pablo sa loob nang ilang taon. Kasi nga ayaw kong malaman nila na buntis ako at ang nakabuntis ay may asawa.’’

“Habang naghihintay ka po sa panganganak, pinadadalhan ka ni Mang Dolfo ng perang panggastos.”

“Oo. Kailangan ko kasing bumili ng mga gamit ng baby. Kaila-ngang mag-ipon para sa panganganak sa ospital.’’

“Hindi mo po gina­gastos ang perang bigay ng mabait na mag-asawang Saudi?”

“Hindi. Nakalaan iyon para sa kinabukasan ko. Kasi, hindi ko alam kung hanggang saan kami tatagal ni Dolfo. Kung may sarili akong pera, hindi ako magiging kawawa….’’

(Itutuloy)

DOLFO

KASI

MAM NUHRA

MAM SIONY

MANG DOLFO

OO

SABI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with