^

True Confessions

Alakdan (188)

- Ronnie M. Halos - The Philippine Star

Patago na ginawa ni Troy ang sketch ni Kreamy. Delikado kapag nakita ni Mama Mayette.

Minsan isang gabi na tinatapos ni Troy ang sketch ay biglang nagising si Mayette.

“Ano ba yang ginagawa mo at pinagpupuyatan mo yata?”

Biglang itinago ni Troy ang sketch.

“Para sa art subject ko siyempre. Ipapasa na ito bukas.’’

“Tingnan ko nga.’’

“Huwag na!”

Lumapit si Mayette. Mabuti na lang at na­ipailalim ni Troy ang scetch ni Kreamy.

“Tingnan ko lang, Troy.’’

“Huwag na. Hindi gaanong maganda. Baka nga mababa ang grade ko rito.’’

“Tingnan ko.’’

Mapilit si Mayette. Delikado ito.

Mabuti na lang at may iba pang sketch siyang nakatago roon. Iyon ang kinuha niya kunwari. Sketch iyon ng mga prutas. Unang sketch niya.

Kunwari ay ayaw pang ipakita ni Troy kay Mayette. Umarte na siya para hindi mahalata na may itinatago siya.

“Patingin!”

“Pangit nga.’’

Pero pilit na inagaw ni Mayette kay Troy ang sketch. Ibinigay ni Troy.

“O eto.”

Tiningnan ni Ma-yette.

“Maganda naman ah. Eto ba ang pinagpupuyatan mo?”

“Oo. Ilang gabi ko na ring ginagawa ‘yan.’’

“Maganda naman. Ikaw talaga, huwag mong pipintasan ang trabaho mo.’’

“Hindi kasi perpek-to ang pagkaka-kulay ko diyan.”

“Ano ba ito, oil paint?”

“Water color yan.”

“Maganda.”

“Pangit ang kulay. Maputla.’’

“Pero hindi naman pangit.’’

“Akina. Bukas ko na ito ipapasa.’’

“Sige matulog ka na.’’

“Oo.’’

Nakahinga nang maluwag si Troy nang umalis si Mayette. Mabuti at hindi nakita ang sketch ni Kreamy.

PERO nagkamali si Troy. Nakita ni Ma-yette ang sketch.

Isang hapon na umuwi siya, nakita niyang hawak ni Mayette ang sketch ni Kreamy. Galit na galit ito.

“Bakit ini-sketch mo ang malanding ito? Bakittt?”

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

KREAMY

MAGANDA

MAYETTE

SKETCH

TINGNAN

TROY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with